Kris Aquino mapapanood na ulit sa telebisyon; umaming natakot bumalik at nagluluksa pa rin


SA WAKAS mapapanood nang muli sa telebisyon ang nag-iisang Queen of All Media na si Kris Aquino. Magiging co-host siya ni Willie Revillame para sa special show ng kilalang online shopping apps na magaganap sa Linggo, Agosto 8.

Limang taong nawala sa telebisyon si Kris simula nang mawala siya sa ABS-CBN ng 2016 at supposedly mapapanood sana siya sa GMA 7 para sa travel show niyang “Trip ni Kris” noong 2017 pero hindi ito natuloy.

May nag-alok sa kanya ng programa sa TV5 noong 2020, pero hindi rin natuloy dahil siya na mismo ang umayaw nang nagka-problema sa producer.

At heto, masayang inanunsyo ng TV host ang petsang 8-8 dahil lalabas nga siya sa telebisyon.

Sa kanyang Instagram account ay pinost ni Kris ang mga larawan nila ni Willie Revillame at guests nila para sa Mega Flash sale ng kilalang online shopping app.

Caption ni Kris, “Paano ba magsisimula? THANK YOU to my friend, a real friend Willie Revillame because from even before the 1st lockdown, bago pa naging bahagi ng mga buhay namin ang SHOPEE he tried his best to convince @gmanetwork to give me a chance to co-host with him.”

Pinasalamatan din nito ang GMA executives na sina Annette Gozon-Valdez at Joey Abacan sa oportunidad na muli siyang mapanood sa telebisyon at buong pasalamat din siya sa mga duktor at nurses ng Makati Medical Center kung saan naka-confine noon ang kuya niyang si PNoy.

“Thank you @annettegozonvaldes and @joeyabacan for this opportunity.

“To my @shopee_ph family, maybe I can now share this part of my journey with my brother, my KUYA (sorry I will omit the exact date but this was a little over a month before his death) napuntahan ko s’ya, naghintay ng more than 3 hours until he was peacefully resting para masilip s’ya sa ICU after a procedure.

“The whole team at Makati Med were just so caring & compassionate and they did EVERYTHING to protect his privacy. Sobrang na touch ako because I saw for all of them it was more than just professionalism, it was RESPECT.

“Gumawa ako ng paraan because they had to know how much I appreciated them- so my Shopee fam kept my secret so that I could order special Kris ShopeePay vouchers.

“Walang lumabas- nagawan ng paraan, nakapag THANK YOU ako sa mga tahimik na nag-alaga sa Kuya ko mula December 2019 nu’ng labas masok na s’ya sa ospital. As I told my Shopee fam, I am fully aware my contract expires on 10/10- but they have my LOVE & LOYALTY for LIFE!”

Inamin din ni Kris na may agam-agam siyang magpakita sa telebisyon at social media accounts niya dahil nga hindi pa siya fully recovered sa sakit niya bukod pa sa nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ni PNoy.

“Honestly, takot akong bumalik on TV (and all platforms FB, YT, IG, and Twitter) this Sunday because I know I’m underweight, although I’m fully vaccinated I do have autoimmune, I’m still grieving, and matagal na kong hindi lumalabas on network TV.

“BUT sabi nyo hinahangaan nyo sa kin ang pagiging “strong” ko- NOW is my chance to prove it, and why should I be scared? Katabi ni KCA si WBR and this is for @shopee_ph. And for all of my followers na patiently naghintay for this moment to arrive. #lovelovelove.”

Sumagot si Ms Annette, “annettegozonvaldes, “We’re so excited to watch you at the Shopee Special!  (smiling emoji).”

Grabe, ang daming fans ni Kris na pinasalamatan ang GMA executive at iisa ang hiling ng lahat, sana bigyan nito ng talk show ang Queen of All Media.

Ang ilan sa mga nabasa namin ay:

Mula kay @mierfec, “@annettegozonvaldes Thank you so much for making it happen! Praying & hoping she will have a talk show there one more time! Only the best station deserves the best talk show host!”

Sabi rin ni @parengjosh2003, “@annettegozonvaldes ma’am bigyan po naman ng bagong morning talk show from Monday to Friday ni ma’am kris Aquino please.”

Gayun din si @alaizapaigan, “@annettegozonvaldes A talk show for Krissy please kahit Saturday and Sunday lang.

Suggestion naman ni @partnersolu, “@annettegozonvaldes a weekly talkshow with Kris Aquino and Bea Alonzo please. Its about time to bring back the weekly talk shows in Philippine TV. Please?”

The post Kris Aquino mapapanood na ulit sa telebisyon; umaming natakot bumalik at nagluluksa pa rin appeared first on Bandera.

No comments:

Powered by Blogger.