Kris ipinagtanggol ng ex-DILG chief: Napasaya niya ako, napakaswerte ko…kaya konting respeto naman

Mel Senen Sarmiento at Kris Aquino

“WAG namang masamain kung nag-greet nga sa ‘kin, ba’t naman napunta na sa malas?”

Ito ang himutok ni dating Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento sa mga bashers na nangnenega sa relasyon nila ngayon ni Kris Aquino.

Nang dahil sa hate comments ng mga bashers sa Instagram post ni Kris tungkol sa “mystery man” na binati niya ng “happy birthday”, napaamin tuloy agad si Sarmiento na siya nga ang tinutukoy ng TV host.

Actually, marami rin ang nakahula na siya ang lalaking binati ni Tetay matapos mag-connect the dots ang mga ito at malamang kahapon nga ang kaarawan ng dating kalihim ng DILG.

At mabilis na napaamin ang dating opisyal ng gobyerno dahil nga kailangan na niyang ipagtanggol si Kris sa mga bashers lalo na sa netizen na tinawag pang “narcissistic” ang TV host-actress at sinabihan pang i-delete na niya ang kanyang social media accounts para maging “fair” kay Sarmiento.

Matapang na hirit ng netizen, “Ghorl @krisaquino kung gusto mo talaga na private ang buhay mo. Wag kana mag post ng Ganito narcissistic ka din e. Kawawa naman ang dating DILG secretary sayo be fair. Please abolish you’re social media account. Please lang day! Baka malasin pa.” 

Hindi naman ito pinalampas ni Kris at talagang sinupalpal ang hater,  “Why? Did I name names? ikaw ang nag greet by name and nag assume agad… and bakit mo ko didiktahan to ‘abolish’ my social media account? 

“Siguro if like you I had 3 posts & 8 followers madaling gawin yun but when you have 4.8 million on IG and 4.5 million on FB you just don’t do that because you respect the relationship you’ve built with the people who have come to love and trust you,” sey pa ni Kris.

Dugtong pa ng mama nina Joshua at Bimby, “If you are afraid about my political ambitions, that’s why you called me narcissistic- that’s really not my problem. 

“Mas mamalasin tayo kung puro ka negahan like your attitude instead of positivity and #lovelovelove. We live in a democracy and wala akong masamang pi-nost.” 

Pero hindi pa rin nagpatalo ang netizen at muling sinagot si Kris, “Madame hindi po ito tungkol sa politics. Ang sabi ko lang kung gusto mo ng private life Bakit need mo pa mag-post ng ganito. Puwede mo naman i-greet na lng siya in private. 

“Puro ka hanash. Ang narcissistic mo kaya. Ano yun gusto mo pag-usapan ka lagi duh! Kung tatakbo ka tumakbo ka. Kung hindi eh di hindi. Daming hanash bagay sayo sa bahay na lng,” banat pa nito sa aktres.

At dito na nga umeksena si Sarmiento at ginamit pa ang IG account ni Kris para magpaliwanag sa netizen na galit na galit sa birthday greeting ng TV host para sa kanya.

“@mynameisaxell hiniram ko yung phone ni Kris – ewan ko kung nakatrabaho kita sa DILG sa laki ng department mahirap maalalala ang lahat. Wag naman masamain kung nag greet nga sa ‘kin, ba’t naman napunta na sa malas?

“Eh napasaya nga nya ko- kung tutuusin napaka swerte ko. Kung nag sama nga tayo sa department na minahal ko, konting respeto naman sa min ni Kris. – Mel Senen Sarmiento,” aniya. 

Dahil dito, maraming nagtanggol kina Kris at Sarmiento na nagsabing huwag na nilang pansinin ang mga bashers. Happy din daw sila sa magandang relasyon ng dalawa at sana’y pang-forever na ang kanilang “relasyon.”

Kahapon, naging hot topic nga sa socmed ang IG post ni Kris na, “Thank you for coming into my life… Happy birthday!”

“I thought long and hard whether to upload this, because I know what kind of speculation I’ll be starting.

“BUT he really did come when my grief was unbearable; he continues to give me unselfish support and comfort; he’s been around for all my ups and downs, health woes, and tears—plus Bimb likes him.

“Most of all, he makes me feel taken care of, secure, and SAFE,” sabi pa ni Tetay.

Sa mga hindi pa aware, naging DILG secretary si Sarmiento mula September, 2015 hanggang June 30, 2016 sa ilalim ng under the administrasyon ng kapatid ni Kris na si late President Noynoy Aquino.

Naging congressman din siya sa 1st district ng Samar (2010-2015) at three-term mayor ng Calbayog City (2001-2010). 

  

The post Kris ipinagtanggol ng ex-DILG chief: Napasaya niya ako, napakaswerte ko…kaya konting respeto naman appeared first on Bandera.

No comments:

Powered by Blogger.