Mikoy malalim ang hugot habang nasa lock-in taping: It’s weird…I thought I was mentally prepared
Mikoy Morales
MALALIM ang hugot ng Kapuso young actor na si Mikoy Morales nang maranasan niya sa unang pagkakataon ang mahabang lock-in taping.
Kasalukuyang nasa first leg ng lock-in taping si Mikoy para sa inaabangang fantasy adventure series ng GMA 7 na “Lolong” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.
Ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ang mga nararamdaman niya ngayon habang nasa taping at kung paano naaapektuhan ang kanyang mental health sa pagtatrabaho under the new normal.
Ipinost ni Mikoy sa IG ang welcome arc ng Brgy. Tumahan at nilagyan ng caption na, “25/30 days. Leg 1/3. Ito ang bayan ng Tumahan. Ang sabi nila, lahat ng pumupunta at lumilipat dito ay tumitigil sa pag iyak, kaya tinawag na Tumahan.”
Kasunod nito, inamin ni Mikoy na apektado pa rin ang kanyang mental health dulot ng pandemya kahit pa nga tuluy-tuloy pa rin ang kanyang trabaho sa GMA.
“I thought I was mentally prepared for this lock in. I wasn’t.
“The usual amount of energy you spend for the actual work is lessened by efforts to housekeep your mental space.
“Space – at some point, you just allow yourself to build anew within the bubble. It’s weird, to be honest, after being defensive about it,” pahayag ng binata.
Sa bandang huli ng kanyang mensahe, pinaalalahanan din ni Mikoy ang lahat na maging mabuti at matulungin sa kapwa, lalo na sa mga taong dumaraan ngayon sa matitinding pagsubok.
“I’m sure hindi lang ako at sa industriyang ito nangyayari ‘to. Everyone’s coping in their own way. So let’s be kind – to others and to ourselves? Kailangan eh, lalo na ngayon.
“I hope you’re doing better. I hope you’re still hanging in there.
“Find your Tumahan. Make one if you have to,” sabi pa ni Mikoy sa kanyang hugot post.
The post Mikoy malalim ang hugot habang nasa lock-in taping: It’s weird…I thought I was mentally prepared appeared first on Bandera.
No comments: