Nas Daily pumalag sa akusasyon sa kanya ni Louise Mabulo

Photo from Louise Mabulo’s Facebook account


NAGLABAS ng pahayag si Nuseir Yassin ng Nas Daily sa mga akusasyon na ibinabato sa kanya ng social entrepreneur na si Louise Mabulo.

Sa kanyang Nas Daily Tagalog Facebook page, isiniwalat ni Nuseir ang kanyang bersyon ng kwento sa mga nangyari noong 2019.

Ayon kay Nuseir, hindi raw niya hahayaan ang dalaga na magkalat ng maling impormasyon o ‘falsehoods’ sa Internet.

Sa katunayan, na-inspire raw talaga ang influencer sa istorya ni Louise kaya agad itong lumipad mula Singapore papuntang Camarines Sur para suportahan ito.

Base nga raw sa larawan na ibinahagi ni Louise, kitang kita na sinusubukan nilang ilahad ang kanyang istorya sa buong mundo. Nais raw nitong mag-effort para dito na hindi ginawa ng ibang media.

“We spent 2 days flying and we were very excited for your story of how you ‘revolutionised the cacao industry in your province’ according to the Internet. We know the ‘story’ already, so that’s why we flew in to come meet you,” paglalahad ng kontrobersyal na influencer.

Ngunit nabigla at nalungkot raw ito nang malaman na ang istoryang nabasa nito ay hindi totoo. Matapos raw nitong pumunta sa planta at makausap ang mga magsasaka rito, napatunayan nito na walang istorya sa lugar. Na ang mga awards na nakasaad sa internet ay “awards” lamang.

“Our investigation has made it clear that your story in the media is false. And that there are no ‘200 farmers’ that you work with, and there are no Cacao plantations that you don’t personally profit from,” pag-amin ni Nuseir.

Dagdag pa nito, kahit 2 days ang orihinal na plano, kinakailanga na raw nila g umalis dahil ayaw nitong maglagay ng fake news sa Nas Daily. Nadisappoint raw ito dahil nag-invest ito ng oras para suportahan siya ngunit walang nangyari.

“When we told you in person that we believe your story is not true, you understood us and you bid us farewell. We thanked you for your time and your hospitality and we went back to the airport. In fact, we took nice pictures with your family before we left.

The Cacao project you mentioned is a family business which you profit from,” dagdag pa niya.

Nanatili raw tahimik si Nuseir dahil ayaw niyang masaktan ang dalaga ngunit dahil ibinalik nito ang nangyari noon, mayroon lang raw siyang dalawang advice para sa dalaga.

“Be truthful about your work. The Cacao Project is not as truthful as the media says it is.

“Do not share online falsehoods. That is borderline illegal. Everything you said is with malicious intent and it is clearly not how I speak. We have 5 years of evidence to back that up. 40% of my company is Filipino. Our actions back up our words,” saad niya.

Chika pa ni Nuseir, kahit raw ganito ang nangyari ay hindi pa rin siya hihinto sa pagsuporta sa Pilipinas ay patuloy pa rin itong tutulong sa mga taong nangangailangan. Patuloy pa rin daw itong maglalahad ng mga istorya ng mga taong magbibigay inspirasyon sa iba.

Hiling rin nito na sana ay makabalik siya sa plantation ni Louise upang i-feature ang kuwento nito dahil isa pa rin siya sa mga inspiring individual para sa kanya.

The post Nas Daily pumalag sa akusasyon sa kanya ni Louise Mabulo appeared first on Bandera.

No comments:

Powered by Blogger.