Paghingi ng tulong ni Sharon para sa mahihirap minasama: Hindi ako nakikipag-away sa kahit kanino
Sharon Cuneta
NAG-IISIP ngayon ng iba’t ibang paraan ang Megastar na si Sharon Cuneta kung paano makakatulong muli sa mga Pinoy na apektado na naman ng panibagong lockdown dulot pa rin ng COVID-19 pandemic.
Nagpahinga muna ang veteran singer-actress sa pagpo-post ng mga updates tungkol sa latest movie niyang “Revirginized” para ipahayag ang kanyang saloobin sa tila wala nang katapusang problema ng bansa sa COVID-19 crisis.
Sa pamamagitan ng Twitter at Instagram, kinumusta ni Mega ang kanyang mga fans at followers ngayong inilagay muli sa ECQ o enhanced community quarantine ang Metro Manila at mga kalapit probinsya dahil sa muling pagdami ng COVID-19 cases sa bansa.
“I cannot imagine what those of you who have lost your jobs and all of you who are struggling…especially lahat po kayong mga kababayan kong nagugutom ngayon,” pahayag ng OPM at movie icon.
Sey ni Sharon, talagang pinag-iisipan niya ngayon pati na ng ilang malalapit niyang kaibigan sa showbiz kung paano sila makapagbibigay ng tulong sa mas maayos at sistematikong paraan.
“Please pray with me so that the Holy Spirit may give me ideas that will work. Also, you are most welcome to make suggestions, not just for the duration of the ECQ, but hanggang maayos ang pag-handle ng COVID crisis na ito sa ating bansa,” sey ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan.
Nanawagan din siya sa mga “wealthy individuals and corporations who prefer to be anonymous but are very willing to make suggestions to help for the long-term.”
“We must help those who have skills to be able to use and earn from them,” aniya pa.
Dagdag pang paalala ni Shawie, ito na ang tamang panahon para magsama-sama ang lahat ng Filipino para magtulungan lalo na kung ang inaasahang suporta mula sa mga kinauukulan ay hindi dumarating.
“This is the time to obey God’s command: Love one another. Thank you so much, everyone! May God bless us all and give us wisdom,” mensahe pa ng Megastar.
Maraming sumang-ayon kay Mega at nangakong susuporta sa kanyang panawagan pero may mga nangnega rin sa aktres at pilit nilalagyan ng kulay-politika ang ginagawa niyang pagtulong.
Sinagot naman agad ito ni Sharon, “Humihingi lang po ako ng tulong sa ibang mga kababayan nating may kakayanan at pusong tumulong. Para hindi lang lahat umaasa sa gobyerno. Baka lang makausad nang konting bilis pa.
“Hindi ako nakikipag-away sa kahit kanino. HUMIHINGI LANG PO NG TULONG AT MGA SUHESTYON MULA SA INYONG LAHAT. That’s all about this for now. The end na muna ito at alam nyo naman…kahit maganda ang intensyon ng isang tao, meron at meron pa ring mambabash!
“Expected na natin pero wag na pansinin. Ang importante ay makaisip ng kahit maliliit na paraan para makatulong,” aniya pa.
The post Paghingi ng tulong ni Sharon para sa mahihirap minasama: Hindi ako nakikipag-away sa kahit kanino appeared first on Bandera.
No comments: