Viva artist Rose Van Ginkel naiyak sa presscon; Janno payag makipagchurvahan sa lesbian, pero…

Maui Taylor, Janno Gibbs at Rose Van Ginkel

MAY bagong goldmine na naman ang Viva Films sa katauhan ng baguhang aktres na si Rose Van Ginkel.

Puring-puri siya ng mga nakatrabaho niya tulad nina Janno Gibbs at Maui Tayloy sa pelikulang “69 + 1” na idinirek ni Darryl Yap na mapapanood sa Set. 3 sa Vivamax.

Sabi ni Janno, it’s about time na bigyan ng launching movie si Rose dahil nagpakita na ito ng husay sa pag-arte sa mga nilabasan niyang pelikula.  

Oo nga, tsinek namin ang filmography ng aktres at marami na nga siyang nagawa as supporting roles tulad ng “Indak,” “Pakboys”, “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar,” “100 Tula Para Kay Stella” at marami pang iba.

At dahil nakitaan na rin ng potensyal kaya ipinagkatiwala ng Viva Films ang pelikulang “69 + 1” kay Rose kaya natanong ang dalaga sa virtual mediacon ngayong hapon kung ano ang masasabi niya dahil sa dalawang kasama niya na todo suporta sa kanya ngayon.

Naging emosyonal si Rose sa pagsagot, “Hala, naiiyak ako. Hindi ko ma-explain kung gaano nila ako ginayd sa movie na ito, everyday kaming nag-uusap ni Ate Maui, at lagi niya sinasabi na ‘kaya mo ‘yan! Nandito kami lahat.’

“Hindi ko ma-explain pero alam mo ‘yun, dahil sa kanila kung anuman ‘yung mga nagawa ko sa movie, dahil iyon sa kanila. 

“Ako ‘yung taong mabilis ma-stress pero dahil ‘yung support nila, ‘yung guide nila sa akin natabunan ‘yung takot ko, ‘yung question ko kung kaya ko ba ito, sobrang grateful ako hindi ko makakalimutan ito habambuhay koi tong papasalamatan,” pahayag ng aktres.

Dagdag pa niya, “Actually nag-post nga ako kanina sa Instagram (sabay tulog ng luha), ate Maui super thank you kasi ‘yung energy mo, ‘yung pag-guide mo sa akin alam mo ‘yun hindi mo naman ako kaanu-ano pero hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa sa akin, talagang.  

“Sa industry na ganito, mahirap pong makahanap ng totoong kaibigang artista alam n’yo ‘yun? Thankful ako na kahit hindi mo naman kailangang gawin ito pero ginagawa mo everyday na kausapin ako bago mag take.

“Kay kuya Janno, dati naman na siyang protective sa akin, sobrang maalaga na (sabi niya) ‘kapag may hindi ka gusto o alinlangan ka sa gagawin mo, sabihin mo agad, hindi masama ang mag-hindi kapag ka kumportable. Wag lang go nang go, magsabi ka pag hindi okay.’”

Ang take naman ni Maui kung bakit sobrang generous siya kay Rose, “Ang dami ko nang nasuportahan sa Viva (stars) sa mga launching films nila. Si Rose actually magkasama kami sa Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, so nu’ng sinabi sa akin ni direk Da (Darryl) ‘yung plans for her, siyempre natuwa ako for her kasi lahat naman ng artista gustong dumating sa point na ma-launch sila di ba and having their solo career ganyan.

“So ako sabi ko nga kay direk Da sa text, ‘tapos na ako diyan.  I’ve been there, so bibigay natin ang moment na ito para kay Rose let her shine on her own and parati akong nagga-guide kay Rose and sabi ko if there’s anything that you don’t want to do just say no.  

“Pareho kami ni kuya Janno ng advice sa kanya. Kasi may mga sensitive scenes na hindi niya kaya, sabihin lang niya kasi mahilig ma-stress ‘tong babaing ‘to,” pahayag ni Maui.

At dahil tungkol sa lesbian relationship ang kuwento ng “69 + 1” ay natanong sina Maui at Rose ang dalawa kung posible silang pumatol sa kapwa nila babae, pareho silang sumagot na “for the boys” lang sila.

Si Janno naman ay natanong din kung papayag ba siya sakaling may magyaya sa kanya na lesbian couple na maging “third party” siya sa kanilang relasyon.

“Kung wala akong asawa puwede, pero may asawa na ako, eh,” saad ng aktor.

Sa kuwento ng movie, maiinit ang mga eksena nina Ivy (Maui) at Patricia (Rose) sa kama at dahil malapit ng mag-celebrate ng kanilang 7th anniversary at lampasan ang 7-year-itch ay nagdesisyon sila na magpapasok ng lalaki sa kanilang relasyon, o ang tinatawag na throuple—tatlong tao sa isang relasyon sa loob ng isang taon. 

Makikilala nila si Apol (Janno), isang photographer na pasado sa lahat ng qualifications nila para sa isang lalake, at sa tingin nila ay hindi sila mai-inlove o magiging attached dito. Magkakasama nilang aalamin kung ang isang polyamorous relationship ay para sa kanila o hindi.

The post Viva artist Rose Van Ginkel naiyak sa presscon; Janno payag makipagchurvahan sa lesbian, pero… appeared first on Bandera.

No comments:

Powered by Blogger.