James Reid, may bagong girlfriend?

- Usap-usapan ngayon ang bagong girlfriend umano ni James Reid

- Laging magkasama sa mga post ang pinag-uusapan umano na bagong girlfriend

- Malaking tanong ngayon sa social media kung magkaibigan lang ba talaga sina James Reid at Jolliane

- Halos dalawang taon na makalipas ang paghihiwalay nina James Reid at Nadine Lustre na nagviral sa iba't-ibang social media.

Si Nadine naman ngayon ay masaya nang may bagong boyfriend na si Christope Bariou kasama ang kanyang pamilya sa Siargao. Hindi rin maikakala ang sweet photos nila na magkasama.

Pagkatapos ng balitang ito, may kumakalat ulit na balitang may bagong nobya ang ex loveteam ni Nadine na si James Reid.


Nakikita kasi ng mga netizens na laging magkasama at magkatabi ang dalawa sa mga Instagram posts nila.


Kilala ang bagong girlfriend umano ni James na si Jolliane. Sumali siya noong 2011 sa The Voice. Nitong nakaraang araw lang, kasama ni James Reid at kanyang staff sa record label company na Careless Music Manila sa Cebu.


Ibinahagi naman ni James Reid ang ilang Instagram photos na napaisip ang netizens kung sila na nga ba talaga.

May post rin si Jolliane sa Instagram kung saan magkasama sila ni James Reid.Kaya ang hula ng ilang JaDine fans, ang bagong kasintahan ni James ay si Jolliane. Wala pa ring kinukumpirma si James tungkol dito.

No comments:

Powered by Blogger.