Apat na Kapamilya starrer films, pasok sa MMFF!

- Listahan ng mga kasali sa MMFF 2021, ni-reveal na

- “Love at First Stream”, official entry ng blockbuster movie director na si Cathy Garcia-Molina ngayong taon

- Pagkatapos ng horror movie na 'U-turn', Kim Chiu may bagong horror trilogy film

Noong Friday, November 12, ini-reveal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang 8 na official entry ngayong taon. Apat sa mga ito ay pinagbibidahan ng ilang mga Kapamilya stars.

Una sa listahan ay ang “Love at First Stream” nina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, at Anthony Jennings. Tungkol sa “young love” at online world ngayong pandemya ang istorya ng pelikula na pinamamahalaan naman ni Cathy Garcia-Molina para sa ABS-CBN Film Productions Inc., Star Cinema.

Andito na rin ang multi awarded movie na ipinalabas na sa ibang bansa, ang Kun Maupay Man It Panahon (Whether The Weather is Fine) ng Kapamilya stars Daniel Padilla, Charo Santos, at Rans Rifol ng MNL48. Nagkaroon ito ng world premiere noong August 9, 2021 sa 74th Locarno Film Festival, kung saan ito nanalo sa Cinema e Gioventù Prize.

Pagkatapos ay ang 'U-turn', isang horror flick ni Kim Chiu, mayroon ulit siyang horror movie na kasama si Jameson Blake at Aiko Melendez para sa “Huwag Kang Lalabas”. Umiikot ang istorya pagkatapos ng World War II noong Martial Law at ng pandemya. Directed ni Adolf Alix para sa Obra Productions.

Kasama rin ang Kapamilya actress at host Toni Gonzaga at kanyang kapatid, Alex Gonzaga para sa horror-comedy film ni Fifth Solomon. Ang “The ExorSis” na dating “The Exorcisms of the Sisums” ay official entry ng TinCan films para sa MMFF ngayong taon.


Ang mga nasabing movies ay eere simula December 25, 2021 hanggang January 7, 2022 sa lahat ng sinehan nationwide.

No comments:

Powered by Blogger.