Jhassy admits to being starstruck by Kapuso actor Joaquin

 

By Archie Liao

Biggest break ni Jhassy Busran ang kanyang role sa pelikulang Caught in the Act ng MPJ Entertainment na idinirihe ni Perry Escano ng Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa at Ang Sikreto ng Piso.

Aniya,  thankful siya kay Direk Perry dahil sa pamamagitan ng pelikula ay nabigyan siya ng pagkakataong maipakita hindi lang ang galing niya sa pag-arte kundi pati na sa pagkanta.

"Dito po sa Caught in The Act,  nagkaroon po ako ng opportunity to bring up my singing career.I don't really sing dahil sa banyo lang ako kumakanta. I have a soundtrack kasi na "Huwag Muna Ngayon" na ginamit sa movie. I still have a lot to learn when it comes to singing that's why I'm taking up voice lessons po, "aniya.

Dream come true rin daw sa kanya ang makatrabaho ang mga ini-idolize niyang mga kabataan tulad nina Joaquin Domagoso at Andi Abaya.

Katunayan,  noong una raw niyang ma-meet si Joaquin ay na-starstruck siya rito.

"Na-starstruck po talaga ako sa kanya pero sobra po siyang approachable at fina-follow ko siya sa social media, "pahayag niya.

Bukod sa na-challenged, na-enjoy din daw niya ang kanyang role bilang Daisy sa pelikula.

"May pagka-nerd po kasi siya pero iyong pagka-nerd niya, iba po. Sumasabay siya sa uso.Focused siya sa school pero hindi niya nalilimutan ang sarili niya. Parang ako lang po, na napagsasabay ang iskul at gala," kuwento niya.

Animado rin si Jhassy na big fan siya ng all-male pop group na SB19.

Showbiz crush daw niya ang pinakaguwapong miyembro nitong si Ken Suson. 

 



Wish niya rin na balang araw ay maka-collaborate niya ang nasabing popular boy band.

Bukod kina Joaquin at Andi, kasama rin ni Jhassy sa pelikula sina Bamboo B, Karel Marquez, Lance Raymundo, Josh Lichtenberg, Shido Roxas, Ejay Panganiban, John Gabriel, Toni Co at marami pang iba.

Ang Caught In The Act ay kuwento ng millenials na nakadiskubre ng kakaibang app  na tutulong sa paglutas ng mga krimen sa kanilang lugar.

Bilang kauna-unahang Pinoy movie na ipalalabas sa muling pagbubukas ng mga sinehan sa panahon ng pandemya,  mapapanood na ito sa buong bansa simula sa Disyembre 15.

 

 

No comments:

Powered by Blogger.