Sa tulong ni Teresa Loyzaga, Cristy Fermin at Barbie Imperial nagka-usap at nagka-ayos na?

- Kahapon lamang ay tinalakan ni Cristy Fermin si Barbie Imperial sa radio show nito

- Ani ni Cristy na wala umanong karapatan si Barbie na tawaging mistress si AJ Raval

- Nagka-usap naman sila sa pamamagitan ni Teresa Loyzaga 

Nag trending at naging usap-usapan ang patutsada ni Cristy Fermin laban kay Barbie Imperial patungkol kay AJ Raval.

Sinabi kasi ni Cristy Fermin na walang karapatang tawagin ni Barbie Imperial si AJ Raval bilang mistress sa relasyon nila ni Diego Loyzaga lalo pa't hindi naman sila kasal pa.

Sa kaparehong radio show ay ibinahagi ni Cristy na nagka-usap na sila ni Barbie Imperial dahil sa pagtawag sa kaniya ni Teresa Loyzaga.

“So kaninang umaga, paulit-ulit na tumatawag sa akin si Teresa Loyzaga. Alam mo naman na ang magkakapatid na Loyzaga ay anak-anakan ko.

“Tumawag sa akin si Teresa, tumawag daw sa kanya si Barbie Imperial at sinabi, 'Tita, Tita Cristy is so mad at me'.

“Ipinaliwanag ko sa kanya (Teresa) na ang ayaw ko lang 'yung kadaldalan nitong si Barbie. 'Yung hindi nababantayan ang emosyon niya at talak nang talak nang wala sa lugar.” 

“Ang ginawa ni Teresa para matapos na... tinawagan niya ngayon si Barbie, so tatlo kami ngayon na nag-uusap.

"Sabi ko kay Barbie, 'Oo totoo na sinabi ko 'yun at paninindigan ko kasi ayoko 'yung tabas ng dila mo.' Sabi ko, 'Sa ganitong argumento, you take the higher ground, you take the higher road. 

"Ngayong kung ang kalaban mo nasa lower road at pinakamababa pa, hayaan mo siyang tumira do'n. Ikaw, dapat, mas mataas ka sa kanya pagdating sa iyong mga opinyon at mentalidad. 'Wag ka nalang kasi pumapatol, ang dali-dali mo kasing i-provoke. Isang kalabit lang sa iyo magsasalita ka na kaagad. E mahal na mahal ka ni Diego, hindi ka dapat ma-insecure.'

"Opo, Tita, hindi na po," magalang na sagot umano ni Barbie.

“Tinanong ko si Barbie, 'Barbie, sa maraming laban ng buhay mo, kasali ba ko bilang taga-depensa mo?'”

"Opo nga e, lagi niyo po akong ipinagtatanggol. Kaya nagulat po ako bakit niyo sinabi 'yon," sagot umano ni Barbie sa kaniya.

“Ayun nagkaayos naman kami kanina,” masayang sabi ni Cristy.

No comments:

Powered by Blogger.