Sunshine hindi napigilan ang sarili sa mga marites!, sinagot ang haka-haka tungkol sa anak

- Mga netizens sa Facebook, pinaghinalaang buntis ang anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Sam Cruz 

- May mga nakapansin na parang may “baby bump” daw si Sam, bagay na pinagtalunan ng mga netizens 

- Nilinaw naman ni Sunshine Cruz na ito ay peke at huwag daw “paglaruan” ang mga bata

Nitong Pasko lang ay nagpost sa Instagram ang Kapamilya actress na si Sunshine Cruz ng family picture kasama ang kanyang mga anak. Makikita naman sa picture na naka-dress si Sam Cruz, anak nina Sunshine at Cesar Montano, habang hawak ang kanyang tiyan. 

Inakala naman ng marami na buntis ito dahil din daw sa kanyang “pose”. Isang Facebook page naman ang nagpost rin ng isang screenshot na galing sa isang Messenger chat. 

Makikita sa chat ang picture nina Sunshine habang may bilog na pula ang mukha ni Sam na may sinabi pang: “Totoo ba na buntis Yung isa sa mga anak Niya... Merry chismis”. 

Napag-alaman namin na ang may-ari ng Facebook page na “ISYUS”, ang page sa likod ng mga haka-haka na ito, ay pagmamay-ari ni Xian Gaza. 

Nahati naman sa dalawang panig ang usapin kung totoo daw ba na ito ay buntis o hindi. Ang sabi ng ilan ay malaki raw ang tiyan ni Sam kaya't napapabalitang ito ay buntis. Mayroon ding ilang nagsasabing kung maglalabas ng balita ay dapat may ebidensiya at hindi puro chismis lamang. 

Pinabulaanan naman ni Sunshine ang mga bali-balitang ito. Sinabi nitong napaka-daling sirain ng isang tao sa pamamagitan ng paglaganap ng fake news. 

“FAKE NEWS!  So easy to destroy and make fun of someone by spreading lies on social media. Piliin nyo pinaglalaruan nyo huwag yung bata o MINOR pa.”

No comments:

Powered by Blogger.