Tunay na ama ni ‘Janice’ hinihinalang kasabwat sa pagpaslang sa magkapatid na Maguad




pinapahanap ngayon ng Pamilya Maguad ang tunay na ama ni ‘Janice’ dahil sa posibleng pagiging sangkot nito sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak.

Matatandaan na si ‘Janice’ ang dalaga na inampon ng mga Maguad na kalaunan ay tumuklaw din sa kanila matapos nitong tapusin ang buhay ng dalawang miyembro ng nasabing pamilya na kumupkop at nag alaga sa kanya.

Walong taon na simula ng mawala si ‘Janice’ kung saan ay pinangalanan niya pa ang magulang niya na sina Michelle at Juanito Sebial na pawang mga taga Ozamiz City.

Ngayon ay ipinapahanap ni Mr. Cruz Maguad si Juanito dahil sa paniniwala nila na may kinalaman ito sa nangyari sa kanila.

“Nakikiusap ako sa mga Cotabatenio at ibang kalapit na lugar at baryo na tulungan niyo kami sa paghanap ng tatay ni Janice o Christine dahil malaki ang paniniwala namin na may kinalaman siya sa krimen o siya mismo ang utak o nag-plano. Maraming salamat sa inyong suporta at dasal. God bless you,” sabi niya.

“He’s known as Juanito Emuelin or Diosdado Emuelin,” dagdag niya pa.

Tila hindi pa matatapos ang kaso na noo’y halos ikonsidera na bilang “case closed” dahil sa pag amin ni Janice na siya ang gumamit ng martilyo at baseball bat para tapusin ang buhay ng mga biktima na itinuring na rin siyang parang tunay na kapatid.


No comments:

Powered by Blogger.