Vince Rillon, the most important star to watch out for
For the record, siya na ang maituturing na breakout star ng pandemya.
Katunayan, siya ang tinaguriang bagong “lagare” king dahil sa kaliwa’t- kanan ang kanyang mga proyekto.
For the first six months ng papasok na taon, nakatapos na siya ng anim na pelikula.
Kasama na riyan ang BL movie na “Sisid” katambal si Paolo Gumabao na idinirehe ng Cannes award-winning at internationally acclaimed director na si Brillante Mendoza.
Opening salvo naman ng Vivamax sa 2022 ang kanyang pelikulang “Siklo”na idinirek ni Roman Perez, Jr. kung saan tampok ang bagong Viva sex siren na si Christine Bermas.
Ginagawa na rin niya ang L, Iskandalo at Bilibid Boys sa nasabing direktor.
Magbibida rin si Vince sa Bigwas ng kanyang discoverer na si Direk Dante sa pelikulang tatalakay sa underground fighting sa Pinas.
Nasa cast din siya ng thriller-drama film na “Pula” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes.
Napansin din siya sa socially-relevant films tulad ng Resbak at Brokers na naging kalahok sa prestihiyosong Tokyo International Film Festival.
Nakasama rin siya sa cast ng “Gensan Punch” at “Amo” na naipalabas sa mga popular streaming platforms na HBO Go at Netflix.
Sa telebisyon naman ay nakatrabaho na niya ang Kapamilya Primetime King na si Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano at sa TV series na “Carpool”.
Sa sunod-sunod na mga proyekto niya, natanong ko siya kung hindi ba nagrereklamo ang kanyang katawang-lupa dahil sa trabaho.
Ani Vince, nag-eenjoy daw naman siya sa kanyang ginagawa.
Hirit pa niya, ngayon pa lang daw naman siya dumadagsa ang offers kaya ayaw daw niyang palampasin ang oportunidad na dumarating sa kanya.
Sa pagkukumpara sa kanya sa breakthrough actor na si Coco Martin na matagumpay na nakatawid from indie to mainstream, aniya, idol daw naman talaga ang Kapamilya actor.
Flattered siya kung naikukumpara siya rito pero mas feel daw niya na gumawa ng pangalan on his own merits.
Gayunpaman, lagi raw niyang isinasapuso ang payo ni Coco na mahalin ang kanyang trabaho at manatiling down-to-earth.
No comments: