Angel Locsin, Edu Manzano, magsasama sa PH remake ng “Call My Agent”
- Magsasanib pwersa sina Angel Locsin at Edu Manzano sa isang serye
- Magsasama sila sa isang PH remake ng isang hit show mula France
- Kabilang pa ang direktor na si Erik Matti
Magsasanib pwersa sina Angel Locsin at Edu manzano bilang pangunahing cast sa Philippine remake ng hit show mula France na “Call My Agent.”
Kasabay sa anunsiyo ng international adaptations ng “Call My Agent,” kabilang na ang mga bansang South Korea, Indonesia, Middle East, Malaysia at Poland, ibinunyag na din kung sino ang napiling director at bibida sa Philippine version nito.
Ayon sa entertainment news website na Variety, ang acclaimed director na si Erik Matti na napili na mangasiwa kasama si Dondon Monteverde bilang producer. Sina Senedy Que (“A Mother’s Story”), Jinky Laurel (“Tanging Yaman”) and Chris Violago (“The Last Manilaners”) ang napiling magsulat ng script para sa nasabing remake.
Ang eight-part series ay eksklusibong mapapanood sa streaming platform na HBO Go ngayong taon sa pagitan ng Abril o Mayo. Ito ay parte ng kanilang “drive to create original content in Asia-Pacific” na tagline.
Sina Angel Locsin at Edu Manzano ay kasama sa mga naunang inanunsiyong magiging parte ng cast para sa proyekto. Wala pa namang pahayag ang dalawang aktor patungkol dito.
Ang orihinal na bersiyon ng “Call My Agent” ay kasalukuyang napapanood sa streaming giant na Netflix.
No comments: