Angelica Panganiban, nasaktan pala nang tawagin siyang 'Hugot Queen'?

- Inamin ni Angelica Panganiban na nasaktan daw siya noon nang bansagan siya ng mga tao bilang “Hugot Queen”

- Sa isang parte ng mediacon ng bago niyang teleserye, natanong kasi siya kung ano ang gusto niyang itawag sa kanya maliban sa “Hugot Queen”

- Sa ngayon naman daw tanggap na niya ng isa siyang hugotera base na rin sa itinatawag sa kanya ng madla

Kasama ngayon ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban para iWantTFC limited series na “The Goodbye Girl” kasama ang ilan pang Kapamilya na sina Loisa Andalio, Barbie Imperial, Elisse Joson, Maris Racal, RK Bagatsing, Joshua Colet, Ronnie Alonte, Turs Daza at Rico Blanco.

Nakilala na rin kasi si Angelica sa pagpo-portray ng mga “broken” o mga hugoterang karakter sa mga teleserye o pelikula. Ngayon naman ay sasabak muli siya sa 'The Goodbye Girl' bilang isang babaeng iniwanan ng kanyang boyfriend.

Sa nangyaring virtual mediacon ng nasabing teleserye kahapon, tinanong siya kung ano ang gusto niyang itawag sa kanya maliban sa 'Hugot Queen'.

Sagot ni Angelica, hindi naman daw talaga niya alam kung saan nanggaling ang bansag sa kanya bilang 'Hugot Queen' at inamin pang noong una ay talagang nasaktan siya sa bansag na ito.

“Hindi ko alam. Hindi ko naman siya inisip ever. Mahirap naman talaga magbigay ng brand sa sarili mo. Parang ‘yung mga ‘hugot queen’ na iyan, ako ba ‘yung nagbigay niyan? ‘Di ba, hindi naman. Kayo ang nagbigay niyan. Nu’ng una nga na-hurt pa ako eh,” diin niya.

Habang patagal naman daw nang patagal, tila natatanggap na niya ang tawag sa kanyang ito, “Wala eh. Ganu’n ka nakikita ng mga tao. Mahirap na ikaw ‘yung magdikta sa kanila kung anong gusto mong itawag sa ‘yo. So hindi ko alam kung anong dapat itawag sa akin.”

“May ibang impact din na may mga taong nilalapitan ka kapag hindi na nila alam kung sinong dapat nilang lapitan. Nagsusulat sila ng mga letters or magtu-tweet sila.” 

“Nu’ng ginawa ko yung ‘Ask Angelica’ ang sarap sa pakiramdam na sa pains or struggles nila in life, gusto nilang tulungan mo sila and pati ikaw, nag-i-inspire ka. Hindi mo nai-imagine na parang natutulungan mo rin pala ‘yung sarili mo,” pagpapatuloy pa ni Angelica.

Nakakasaya naman daw para sa kanya na nilalapitan siya ng mga tao pagdating sa mga relationship advices na nanggagaling mismo sa kanya.

“Dahil sa mga sinasabi mo, mapapaisip ka na okay ‘yung mga sinabi ko so bakit hindi ko i-apply sa sarili ko. Alam ko in a way natutulungan ko rin ang sarili ko.” 

“Hindi siya nakakapagod gawin at all. Natutuwa ako na kahit paano may mga nagri-reach out sa akin. Feeling ko nagtutulungan lang kaming lahat,” sabi pa ng Kapamilya star.

No comments:

Powered by Blogger.