Francine Diaz, sinabihan daw ng isang direktor noon na tatanga-tanga siya
- Ginunita ni Francine Diaz ang nangyaring hirap sa kanya noong pumapasok pa lang siya sa showbiz
- Sinabihan daw kasi siya ng isang direktor na “tatanga-tanga” dahil hindi niya na-pick up ang gusto nito
- Ikinwento niya ito sa vlog ni Karen Davila na pumunta sa kanilang bahay upang batiin ito ng maligayang kaarawan
Tila naging malungkot ang kwento ng Kapamilya star na si Francine Diaz sa birthday vlog ni Karen Davila para sa kanya.
Binisita kasi siya ni Karen sa kanyang bahay na may dala pang birthday cake upang batiin nga si Francine para sa kanyang birthday.
Nagpatuloy lang ang chikahan ng dalawa hanggang sa mai-kwento ng aktres ang mga pinagdaanan niya bago pa lang siya pumasok sa showbiz.
Nai-kwento rin niya na kaya siya nagpursigi ay dahil na rin wala daw gatas ang kanyang nakababatang kapatid kaya naman sinabi niya sa kanyang sarili na siya nalang daw ang magta-trabaho.
“One time nagalit ako sa kanila, sabi ko, ako na nga lang magtatrabaho! Kasi naaawa ako ta's anim na kami noon, 'yung bunso namin wala siyang gatas. So parang sabi ko, noong baby naman ako hindi ako ganito. Kasi natatandaan ko pa naman, may gatas ako... So parang ako noon, ako nalang. Kasi nakakahiya naman kung sina papa lang.” Pagkwento ni Francine.
“And that time, hindi rin ako nakakapasok kasi walang baon ta's wala rin akong books. Nakikihiram lang ako so parang, parati akong absent kasi wala kaming pang-tuition” dagdag pa niya.
May kwento rin siya patungkol sa “rule” nila ng mama niya, “Tapos natandaan ko one time, nag-audition ako para sa serye nina kuya Jericho Rosales. Ang rule namin ni mama, audition muna bago kumain para makatipid. Hindi tayo kakain bago tayo mag-audition kasi 'yung pamasahe namin, tipid lang.” pag-amin ni Francine.
Ibinahagi rin niyang sinabihan siya ng isang direktor noong audition pa lamang na siya daw ay tatanga-tanga, “So parang 'pag gutom slow ka mag-pick up, hindi nagwo-work 'yung brain mo. So parang may sinasabi 'yung director that time, audition palang po ah, hindi ko na-gets. Kasi gutom rin ako noon pero binibigay ko naman 'yung best ko. Ta's ang sabi niya, ang artista dapat matalino, hindi tatanga-tanga.”
Sagot ni Karen, “God! Nakakaiyak”
No comments: