Market Vendor viral ang video ng pag angal sa "No Vaccine, No Ride" policy ng gobyerno
- Viral at usap-usapan ngayon ang video ng pag rereklamo ng isang market vendor
- Kwento nito na hindi umano makatarungan ang 'no vaccine, no ride' policy ng gobyerno
- Galit na galit itong nagbahagi ng kaniyang opinyon laban sa naturang policy
Viral at usap-usapan ngayon ang video ng paglalabas ng galit at saloobin ng isang market vendor patungkol sa panibagong policy na pinatutupad ng gobyerno.
Ani nito na hindi makatarungan ang polisiya ng gobyerno na 'No vaccine, No Ride' policy para sa kanilang mga ayaw magpa bakuna dahil sa sakit na mayroon sila.
“Tingnan mo ang pahirap na ginagawa ninyo sa taong bayan. Umupo kayo dyan, binoto namin kayo para paunlarin ang bansa. Kung ako may kakayahan tumakbo, tatakbo ako e. Bakit? Para maiahon ko itong mga vendors na ito kasi vendors rin ako,” saad ni Gemma patungkol sa mga opisyal ng gobyerno sa interview niya sa Radyo Inquirer.
“Nagtitiyaga akong magtinfa. Hindi ako umasa sa p***** i**** SAP (Social Amelioration Program) nila. Nagtitinda ako ng balut para may pambayad ako ng ilaw at tubig.
“Ngayon kapag wala kang vaccine huhulihin ka. P***** ina kakasuhan ka ‘yung mga pulis na ‘yan kapag hinuli ako, wala akong vaccine. Alam mo ang ikaso ko sa kanila? Harassment. Ano, wala na tayong human rights? Dapat lahat ng Pilipino magkaisa may vaccine man o wala kasi ginag*g* na tayo ng gobyernong ‘yan e," pahayag nito.
Panoorin ang kabuuan dito:
No comments: