Venus Raj, inaming nalulungkot dahil kinuwestiyon dati ang pagka-Filipina niya: “Mahirap, kasi pangarap ko na eh”
- Sa isang viral TikTok clip, makikitang ininterview ni Toni Gonzaga si Venus Raj patungkol sa kontrobersyang nangyari sa kanya noon
- Inamin ni Venus na kinuwestiyon ng BPCI ang pagiging Filipino nito at umabot ang balitang ito sa Miss Universe Organization
- Ibinahagi rin niya sa video na mahirap daw ang nangyari sa kanya dahil pangarap daw niyang makipaglaban sa Miss Universe
Ibinahagi ng Binibining Pilipinas-Universe 2010 na si Venus Raj ang pinagdaanan niyang hamon noon dahil kinuwestiyon daw ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ang nationality niya kaya naman muntik nang hindi makalaban ang beauty queen sa Miss Universe.
Ni-repost ng isang account sa TikTok ang nangyaring interview ni Toni Gonzaga kay Venus Raj na nag-viral at umani ng mahigit isang milyong views.
Panimula ni Toni sa naturang video clip, “Pero at that time nagkaroon ng controversy 'di ba? Dahil kinuwestiyon 'yung birth certificate mo kung Pilipino ka ba talaga.” pagtatanong niya kay Venus.
Sinagot naman ito ng beauty queen at sinabing malaking bagay iyon sa kanya dahil hindi niya raw inexpect na magkakaroon ng problema sa kanyang pagkakakilanlan.
“Yeah. Ano 'yun, malaking bagay na rin. Kasi 'di ko talaga inexpect na magkakaroon ng problema doon. The day after the coronation night. Biglang it dawned on them at biglang “wait lang, parang hindi ka ata pwede mag-compete sa napanalunan mo” parang ganon, so they revisited my papers and then lawyers mga ganyan. Maraming usap-usap ng mga lawyers.” Bigkas niya.
Sumagot naman si Toni at itinuon muli ang tanong sa kanya, “So paano mo na-handle 'yung parang binabawi na naman 'yung napanalunan mo?” naiintrigang tanong ni Toni kay Venus Raj.
“Doon mahirap. Kasi, pangarap ko na eh. Gusto ko nang mag-compete sa Miss Universe. Parang hindi na 'yung puso ko 'yung “okay lang, bigay mo na sa iba.” Hindi na ganon. Parang I know na I didn't do anything wrong and I know that I was honest from the beginning. So, 'yung feeling na parang “teka, parang wala akong ginawang masama, wala naman akong ginawang mali, bakit?” diin niya.
“So, 'yun. Lumaban tayo. Dumating sa punto na “okay, wala akong pera. Anong gagawin ko” How can I fight for what I think is right pero... Wala akong resources to do that. I think the Lord has been so faithful even in those times.” pagku-kwento niya pa.
“Hanggang umabot sa point na nakarating na 'tong balita na'to sa Miss Universe Organization. And the Miss Universe Organization called my lawyers. Sila 'yung nag-usap, ang naging requirement lang nila... “Basta may passport siya” pero kung may Philippine passport ka, ibig sabihin recognized ka by the Philippine government.” Dagdag pa niya.
Tanong ni Toni, “Filipina ka?”
“Oo, Filipina naman talaga ako.” ani Venus Raj.
@zansht 👑 #venusraj #tonigonzaga #tonitalks #missuniverse2010 #binibiningpilipinas #missuniverse #zansht ♬ original sound - hrnzkr || zansht
No comments: