Aga, may opinyon sa 'cancel culture'; Huwag daw makakalimot: "Do not forget..."
- Nagkaroon ng guesting ang aktor na si Aga Muhlach sa radio show ni Cristy Fermin sa "Cristy Ferminute"
- Dito ay natanong siya kung anong opinyon niya sa 'cancel culture' na nauugnay ngayon sa politika
- Nagbigay naman ito ng ilang payo sa kung paano maiiwasan ang pag-'cancel' sa iba
Direstsahang sinagot ni Aga Muhlach ang tanong ni Cristy Fermin nang mag-guest ito sa kanyang radio program na 'Cristy Ferminute' upang ipromote ang bagong show ng TV5 na 'Masked Singer Pilipinas'.
'Di napigilang itanong ng kolumnista kung ano ang saloobin ni Aga sa 'cancel culture' na nangyayari ngayon na naiuugnay ng mga tao sa mundo ng politika.
“Mayroon lang akong isang bagay na prinsipyo na sinusundan sa buhay. Lahat tayo kasi iba-iba ang pananaw ng bawat tao. It's difficult really nowadays na lahat ng boses naririnig natin, na minsan hindi na natin alam, kung sino tama, kung sino ang mali. Ngayon, sa akin, indibidwal, sa pagkatao ko, pipiliin ko 'yung nakikita kong tama na gawin, not necessarily sa politics, kundi sa buhay,” sagot ng aktor.
Tila wala na raw magagawa sa usaping ito pagdating sa politika dahil mahirap nang ibahin ang isang taong may sinusuportahan o 'kakampi' sa isang panig. Inamin din niyang hindi niya iniintindi ang cancel culture na laganap ngayon.
“Ngayon, pagdating sa pulitika naman, wala na tayong magagawa e. Ibig kong sabihin, kung may kakampi 'yung isa, hindi mo na masu-sway 'yan. May kakampi 'tong isa, hindi mo na maiiba.
"So, 'yung sinasabing cancel culture, parang hindi ko na rin iniintindi 'yan.
"Kasi sa akin, I will do my work as an actor and I will do my best to entertain and to keep people happy. Pagdating sa mga gulo-gulo, ayoko talaga sumali.” sabi naman ni Aga.
Nagbigay advice naman siya respetuhin at magmahalan nalang ang bawat isa.
"Galangan lang. Kasi kung merong pink tayo, hayaan natin ang pink. Kung merong pula, hayaan natin ang pula. Kung merong asul, hayaan natin ang asul.
I think it's very important really, at the end of the day, do not forget, let us not all forget really to love one another." hirit ni Aga.
No comments: