Dagul, taga-bantay ng kanilang munting tindahan; May pinagdadaanang hirap

- Sa ngayon ay nagbabantay ang dating 'Goin' Bulilit' cast na si Dagul sa kanilang munting tindahan sa bahay

- Ginagawa niya ito kahit upang kahit papaano ay makatulong siya sa kanyang asawang gumagawa ng gawaing bahay

- Hindi rin naman sapat ang kinikita nila sa tindahan upang tustusan ang mga utang nila mula sa iskwelahan ng anak

Naikwento ng dating 'Goin Bulilit' star na si Dagul ang kanyang pinagdaraanang hirap sa buhay gayundin ang pagtulong niya sa pagbabantay ng kanilang munting tindahan sa bahay sa kabila ng pisikal na pagsubok na kinakaharap. 

Kung walang trabaho sa command center kung saan siya ang head, natutulungan niya ang kanyang asawa sa pagbabantay ng tindahan nila sa bahay. Abala rin daw kasi si misis ang mga gawang bahay. 

Ayon rin sa kanya, mabagal rin daw siya magsukli sa mga bumibili dahil sa sakit sa tuhod at kanyang taas. Minsan nga rin daw ay hinahanap pa siya ng mga bibili dahil hindi agad siya nakikita ng mga ito. 

Maraming tao naman ang nagbigay komento bilang pagpapakita ng paghanga nila kay Dagul sa kabila ng mga hadlang sa buhay. Ilan pa sa mga komento ay:

“Dagul is an inspiring father. S kabila ng estado nya. Sabi nya di normal...napaka normal nya.. kumpara s malaki pangangatawan malakas pero gumagawa ng d mganda pra mabuhay at ung iba kain tulog lang”

“Maliit pero malaki ang pagmamahal at puso sa pamilya, his daughter is pretty salamat din po sir Ogie for helping her”

“Nakakaiyak and nakakainspire good luck po sa family nyo Sir Dagul stay strong Lang to each one of us.”

No comments:

Powered by Blogger.