Pinay sa mga Korean drama, nagbigay ng tips para makapasok sa mundo ng Kdrama
- Maraming Pinoy ang napahanga sa isang Pinay na nakilala sa ilang mga sikat na drama mula sa South Korea
- Matagal nang aktres si Noreen sa Korea at napasama na siya sa mahigit isang daang Korean dramas na tinutukan ng mga Pinoy
- Nagbigay naman ito ng mga tips sa mga kabayan nating gustong makapasok sa mga Kdrama
Nagbigay ng tips ang kilalang Pinay actress sa South Korea na si Noreen Joyce para sa mga Pinoy na gustong sumabak sa paga-acting sa nga Korean dramas.
Sa katunayan, mahigit isang daang beses na rin siyang umaarte sa mga ito kabilang na ang mga hit Kdramas na “True Beauty” at ang kalalabas lang ng Netflix zombie series na “All of us are Dead”.
Kwento ni Noreen sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, kung gusto mo raw talagang umarte sa mga Korean dramas ay dapat daw mayroong kang sapat na pinansyal upang tugunan ang mga kinakailangan mo dahil hindi ito sagot ng kompanya.
“If you want to really come to Korea to do this background acting thing, be prepared financially kasi hindi niya mako-cover ‘yung expenses mo in living here in Korea. So you have to have a full-time job or back up finances.
“Of course you have to learn the language. Language is a very important thing in order to work here in Korea,” ayon kay Noreen.
Kuwento pa niya, nagsimula ang kanyang acting career pagkatapos niyang makakuha ng degree, “I’ve been living in Korea for six years. I came here as a student and after my degree, I started working and now I’m doing acting on the side.”
“Back in the Philippines actually I was a volunteer at the Korean Cultural Center and from there I met a lot of people from the industry.
“When I came to Korea, I got to reconnect with them, and they introduced me to several part-time jobs related to the industry. While doing that, I met producers and directors, who told me to try on-cam gigs. So yeah, I tried it and right now I’m still doing it,” masayang pahayag niya.
Dagdag pa ng dalaga, isang Kdrama raw ang pumukaw sa isip niya kung kaya't gusto niya nang pumunta ng Korea. Ito ang Korean dramang “Dream High” na ipinalabas rin sa ABS-CBN.
“Basically I do my full-time job during the weekdays and I do acting and filming on the side during weekends normally. Or holidays. Part-time talaga siya.
“Back in the Philippines, I was actually a drama fan. So I watched this drama, Dream High, and it was because of that drama that I dreamed of coming to Korea.” aniya.
Chika pa ni Noreen, “Memorable talaga sa akin ‘yung ‘True Beauty’ and ito nga, ‘All of Us Are Dead’ kasi doon ako nakilala. And of course, ‘yung first appearance ko sa K-drama which is ‘The Smile Has Left Your Eyes,’ since hindi pa ako marunong mag-Korean that time. Most of my roles actually are Korean so I have to blend with Korean people.
“Hindi ko makakalimutan siguro, my favorite actresses like Moon Ga-young and So Yoo-jin because even back in the Philippines I was a fan of them.
“And ‘yung sa drama na ‘Dream High’, ‘yung ibang actors doon, I met personally through being sa mga K-dramas nila like Kim Soo-hyun, Ok Taecyeon,” natutuwang sabi ng aktres.
No comments: