Anak ni Vicki Belo, sinagot ang mga 'BBM' na nagkalat ng fake news: "P*CHA NAREFUTE KO NA ‘TO HA..."

- Pinabulaanan ni Quark Henares na mga BBM supporter sila ng kanyang pamilya base sa kanyang tweet

- Ilang mga Bongbong Marcos supporters kasi ang nagpapakalat ng mga maling impormasyon na mga pro-BBM ang mga kilalang celebrities at personalities

- Naglapag pa nga ito ng isang 'resibo' na Kakampink sila dahil sa isang litrato ni Scarlet Snow na makikitang may suot-suot na Leni-Kiko baller

Naglapag ng pahayag ang filmmaker na si Quark Henares sa kumakalat na pekeng balita sa social media na nagpapakita na ang ilang mga personalities and celebrities ay mga BBM supporters 'di umano.

Kasama sa listahan ang kilalang dermatologist na si Vicki Belo at asawa nitong si Hayden Kho. Makikita rin sa nasabing hanay ng pangalan ang ilang mga kilalang artistang sina Nathalie Hart at Niño Muhlach.

Ayon kay Quark, ang halos kalahati ng nasa listahan ay hindi sinusuportahan si Bongbong Marcos. Nilinaw rin nitong ang sinusuportahan ng kanyang ina ay ang kalaban ni BBM–ang babaeng abogada, ekonomista, at ang current Vice President ng Pilipinas.

Tweet nito, “P*CHA NAREFUTE KO NA ‘TO HA. FAKE NEWS. Honestly probably half the people on this list are not BBM. This is a pretty sad reaction to the overwhelming artista support of @lenirobredo.”

No comments:

Powered by Blogger.