Joel Lamangan, pinagpalit si Dina Bonnevie kay Rita Avila; Napakunot-noo: "Naku! palitan ka na lang!"
- Ibinida ni direk Joel Lamangan ang ilang mga celebrities na gusto niyang makatrabaho muli upang gampanan ang isang proyekto
- Nabanggit rin ang pangalan ng Kapamilya star na si Sharon Cuneta ngunit wala lang umano siyang 'material' para sa aktres
- Tila napakunot-noo ang direktor nang mabanggit naman ang pangalan ni Dina Bonnevie na siya namang dahilan upang maikwento ng direktor kung bakit niya ito 'ipinagpalit'
Nakipag-kwentuhan ang kilalang direktor na si direk Joel Lamangan sa media sa naganap na storycon ng kanyang pinaka-bagong proyektong "Fall Guy" na pinagbibidahan naman ng kilala ring sexy actor na si Sean de Guzman.
Present rin ang aktres na si Glydel Mercado na kabilang rin sa bago nitong pelikulang 'Fall Guy' na kung saan kinumentuhan siya ng direktor dahil matagal na umano silang 'di nagkakasama.
Ani direk, “Masaya ako dahil matagal kong hindi nakita si Glydel. Ang tagal kong hindi siya nakasama.
“Magaling na artista ‘yan, e. Kaya nu’ng nagkaroon ako ng pagkakataong isama siya rito, isinama ko na siya rito. Kasi, hindi ko alam kung kailan ko siya makakasama pa. Masaya ako,” pagbabahagi ng direktor sa harap ng press.
May nagtanong naman sa kanya kung sinu-sino pang mga artista ang gusto niyang makatrabaho na nag-udyok sa kanya na magbahagi pa ng ilang mga pangalan sa showbiz.
“Gusto ko ring makatrabaho si Gina Alajar, pati si Gina Pareño. Kasi, naging artista ko ‘yan.
“Si Ate Vi (Vilma Santos), gusto ko, at may project kaming kino-conceive for her. Pinu-push yun ni John Bryan Diamante (producer ng Fall Guy). Gusto ko rin si Sharon (Cuneta), e, wala lang akong material for Sharon. Even Dawn (Zulueta), gusto ko si Dawn. Ang dami kong nagawa kay Dawn.
“Kahit si Richard Gomez, gusto ko uli. Si Boyet (Christopher de Leon) gusto ko ulit makasama. Nakakahiya lang kasi na kukunin mo sila na wala namang project na bagay sa kanila. Kailangan, kung may io-offer ka sa kanila, there’s something they can bite on.
“Something na pagtatrabahuhan nila na maganda. Kasi, kung io-offer mo, ganun-ganun lang, nakakahiya. Lalo na kay Ate Guy (Nora Aunor), lalo na kay Boyet. Matagal ko na ring hindi nakatrabaho si Tirso. Ang dami kong ginawang Tirso Cruz III (movies).
“Si Ipe (Phillip Salvador), at least may isa akong natapos, di ba? Yung Isa Pang Bahaghari (entry sa MMFF 2020). Yung iba, wala pa. Kaya lang, ang mga producer ngayon, ayaw na ng mga malalaking artista, dahil ang laki-laki ng budget.
“Gusto ko ngang ibalik yung Moral (1982) ang ganda-ganda. Gusto kong gumawa ng parang ganu’n. Ibabalik ko sila. Merong isang producer na gustong gumawa ng Maricel. Sana, matuloy," pahayag ng award-winning director.
May nagbanggit naman kay Dina Bonnevie kung kaya't inalala ng direktor ang naging isyu noon na inayawan umano ni Dina ang gagawin sana niyang pelikula ngunit ipinagpalit nalang siya para kay Rita Avila.
Sabi ni direk Joel habang kunot-noo, “Umayaw ba siya sa akin? Ay, hindi! Ako ang umayaw! Ayaw niya ng role. Gusto niya, mapabuti yung role. ‘Aba, bakit iibahin mo? Ay, naku, palitan ka na lang!’ Ganu’n yun, ‘Day.
“Gusto ko pa rin siyang maka-work. Mahusay na artista ‘yan, kaya lang, parati kaming nag-aaway, kaming dalawa. Pero bati-bati uli. Kasi, ganyan-ganyan ‘yan, e. Hindi niya alam, naririnig ko, kasi naka-mic!” aniya pa.
No comments: