Regine, nagplanong tumigil sa pagkanta dahil sa isang dahilan: “time for me to stop”
- Binigyan ng payo ni Regine ang TNT Boys na sumasailalim ngayon sa pagbabago ng boses gawa ng pagpu-puberty
- Ibinahagi ng Songbird ang naging karanasan niya kasama ang TNT Boys sa world tour ng ASAP
- Inamin ni Regine Velasquez na nagbalak umano siya na tumigil sa pagkanta dahil sa nangyari sa kanya matapos isilang ang kanyang unico ijo
May ibinulgar ang Kapamilya star at Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa panayam sa kanya ng mga momshies sa Kapamilya morning talk show na 'Magandang Buhay' sa isang episode nito kamakailan.
Sa kabila nito, pinayuhan din niya ang sikat na trio ng Kapamilya–ang TNT Boys. Marami kasing nakapansin na tila nagbabago na raw ang timbre ng boses ng tatlo dahil sa kanilang nararanasan na normal sa mga teenagers na sumasailalim sa puberty.
Kilala ang grupong 'TNT Boys' na may tatlong miyembro: sina Francis Empuerto, Keifer Sanchez at Mackie Empuerto. Naging instant hit pa nga sila nang sumalang sila sa entablado at naging finalists pa ng 'Tawag Ng Tanghalan' sa 'It's Showtime' taong 2017.
Ito na ang simula ng 'journey' ng tatlo upang makilala pa hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo. Lumabas na rin sila sa mga international shows at nakasama pa sa programa ni James Corden noong 2019.
Habang tumatagal, hindi maiiwasan ang paglaki kaya naman kasamang nag-iiba ang kani-kanilang mga ginintuang boses.
Dito na ibinahagi ng Asia's Songbird ang kanyang karanasan kasama ang TNT Boys sa Rome Italy noong October 2019 para sa ASAP Natin 'To tour.
“’Yung last memory ko of these boys was when we went to Rome. Hindi ko nasabi na noong nandoon kami sa Rome, they were having such a hard time.
“Kasi nga nagbabago na yong mga boses nila. They were singing the same songs, in the same key na noong mga bata pa sila. So when I saw them, para silang nalugi. Naawa ako so pinuntahan ko sila,” sabi ni Regine.
Ang “acid reflux” din umano ang nakaapekto sa kanyang boses matapos ipanganak ang kanyang unico ijo na isa sa nag-udyok sa kanya na mag-planong tumigil na sa pagkanta.
“Ang sinabi ko sa kanila noon, kailangan niyong i-accept kung ano yung magiging sound niyo. Kasi mahirap na yung isip mo nandun ka pa sa bata ka pero iba na yung naririnig mo. Kaya ko yun sinasabi kasi that happened to me. In my case, medyo after I gave birth,” pagpapatuloy nito.
“Umiiyak ako sa asawa ko and I was telling him, ‘Maybe it’s time for me to stop.
“May ganoon kasi alam mo yung tunog mo eh. I felt the need to let these boys know na okay lang ‘yan. Talagang it will change. Your voice will change and it will keep on changing,” aniya.
No comments: