2 purok leader, binaril ng tandem: 1 patay, 1 sugatan




DEAD ON THE SPOT ang isang purok leader at sugatan ang kasamahan nito nang pagbabarilin ng apat na lalaki na sakay ng 2 motorsiklo sa Barangay Batasan Hills, Quezon City nitong Miyerkules.
Kinilala ang napatay na si Nicanor Perez, 52-anyos; habang sugatan ang kasamahan niya na si George Dagopioso na isa ring purok leader sa lugar.
Sa ulat, nag-uusap ang dalawang biktima sa kanto ng Kalayaan B Street at Kaibigan Street nang pagbabarilin ng dalawang riding-in-tandem 10:00 ng gabi.
Patuloy pang iniimbestigahan ang posibleng motibo sa likod ng pamamaril. Isa sa tinitingnang anggulo ng pulisya ang posibilidad na may mga nakaaway ang dalawa dahil sa pagiging purok leader.(Boy Celario)

No comments:

Powered by Blogger.