KaladKaren, naging emosyonal sa bagong vlog ni Karen Davila: “pwede mo naman akong i-shutdown...”
- Naging emosyonal si KaladKaren sa recent vlog ng news anchor na si Karen Davila nang maghouse tour ito sa bahay ng impersonator
- Sobrang laking tulong umano ni Karen kay KaladKaren dahil sinuportahan daw siya nito sa pag-iimpersonate sa kanya
- Ani rin niya, hindi niya makukuha ang pinapangarap niyang bahay kung hindi dahil kay Karen Davila na kanya mismong ini-impersonate
Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ng kilalang Kapamilya impersonator na si KaladKaren sa recent vlog ng batikang news anchor ng ABS-CBN na si Karen Davila.
Sa naturang vlog nga ni Karen ay naibahagi ni KaladKaren kung paano lubos na nakatulong sa kanya ang kanyang ini-impersonate na si Karen mismo. Dito niya rin inamin na sinusuportahan talaga siya ni Karen sa kanyang ginagawang impersonation.
Ito rin umano ang nagbukas ng pintuan sa kanya sa iba't-ibang opportunities noong bago pa lang siya sa mundo ng showbiz. Ang pag-iimpersonate nga rin ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng sariling bahay, aniya.
“I’m very happy where I am at the moment. I’m also very thankful sa inyo rin po.
“Kung hindi po dahil sa inyo, hindi ko makukuha ‘yung mga pangarap ko sa buhay. Kasi pwede mo naman akong i-shutdown when I was starting but you supported me.
“Kung hindi naman dahil sa support mo at sa mga taong tumulong sa akin along the way hindi ko makukuha ’tong kung anong meron ako ngayon,” pahayag ni KaladKaren kay Karen.
Dagdag pa nito, “Kung meron man akong isang natutunan, give and you will receive. Let’s be helpful and let’s always be grateful to all the things that we receive in life kasi one day hindi mo alam ikaw din ‘yung mangangailangan.”
Habang nagho-house tour nga sila sa bahay ni KaladKaren ay nagbiro pa ito ng, “Ang saya, tsaka ikaw pa ‘yung una kong bisita, nauna ka pa sa nanay ko,” natatawang chika niya sa news anchor.
“Simula po nu’ng bata kami, nakikitira kami sa lola namin. We didn’t have our own house.
“Both my parents were OFWs, so kami, pinaalaga kami roon sa lolo’t lola ko why they were abroad. Never kaming nagkaroon ng sariling bahay until nung high school ako.
“So, lumipat kami sa Bulacan, my parents lived there ta’s sabi ko sa sarili ko na once na makapagtrabaho ako, makapag-ipon ako ng pera, bibili ako ng sarili kong bahay,” pagbabalik niya sa dati niyang buhay.
No comments: