Lolit, tumaas ang balahibo sa nalamang balita sa partner ni Angeline: "Feeling pogi at yummy..."

- Tila tumayo umano ang balahibo ni Lolit Solis sa balitang nalaman niya na gustong mag-showbiz ng partner ni Angeline Quinto

- Sa kanyang pagsasalaysay, naungkat niya ang past ng lalaki na 'di umano'y may tatlong anak sa dalawa pang babae

- Nabanggit niya na feeling pogi at 'yummy' umano ang partner ni Angeline sa kagustuhan nitong pumasok sa mundo ng showbiz

Umarangkada na naman ang kolumnistang si Lolit Solis upang magbigay ng kanyang komento sa balitang nabalitaan niya kay Nonrev Daquina, partner ni Angeline, na gusto nitong mag-showbiz.

Sa kanyang Instagram account niya rin ibinahagi ang kanyang nalaman mula sa kanyang nabasa na may tatlo nang anak ni Nonrev mula pa sa dalawang babae. Nabanggit din niya na feeling pogi at 'yummy' si Nonrev dahil pa may mga babaeng 'nagpa-anak' sa kanya.

"Parang tumayo balahibo ko Salve ng mabasa ko na gusto daw ni Angeline Quinto na mag artista iyon non showbiz father ng kanyang naging anak," naunang sabi ni Lolit.

"Sa nabasa ko na mga nasulat, may 3 ng anak sa 2 pang ibang babae iyon BF ni Angeline. Naanakan niya si Angeline Quinto, at ngayon may pangarap siyang pumasok ng showbiz. Bongga di ba ! Parang ganuon kadali lang puwede na siyang maging celebrity ? Parang nagka anak ka sa 3 babae, puwede ka ng matinee idol?" pahayag pa ng kolumnista.

Sinabi rin nito na sana'y nagpa-reality check muna si Nonrev sa mundong gusto niyang pasukin kung 'babagay' ba siya sa karerang isasabak niya.

"Feeling pogi at yummy dahil may mga babae na nagpa anak sa kanya ? Iyan ilusyon dapat may realidad din. Check mo muna sa salamin o ikaw mismo sa sarili mo kung babagay ka ba sa mundo na papasukin mo. 

"Porke pinatulan ka at nagpa anak ang isang Angeline Quinto, pang showbiz ka na ? Puwede ka ng artista ? Naku, dapat siguro magkaruon ng reality check pati si Angeline para naman iyon ulap sa mga mata nila mawala. 

Tila may mensahe pa nga ito kay Angeline, "Nagka anak na sa 2 magka ibang babae, pumayag kang anakan ka, tapos ngayon bibigyan mo ng ilusyon maging showbiz. Naku, sana na lang ang isipin mo ang magiging kinabukasan ng iyong anak Angeline, huwag mo ng pasukin ang trabaho ng pagiging talent scout. 

"Baka maghanap lang ng iba pang babae na aanakan iyan BF mo sa showbiz kaya gusto pumasok, stop , look, listen ka muna. Ayaw ni Gorgy at Salve, kalokah!" dagdag pa ng TV host.

No comments:

Powered by Blogger.