Awra Briguela naglabas ng sama ng loob matapos na manakawan ng cellphone

- Naglabas ng kaniyang saloobin si Awra Briguela sa kaniyang twitter account

- Ito ay kaugnay sa pagkawala ng kaniyang cellphone sa Moa Arena

- Kwento nito na nangyari ang lahat habang may mga nagpapa picture sa kaniya matapos ang laro

Hindi napigilang maglabas ng kaniyang saloobin si Awra Briguela matapos na manakawan siya ng cellphone sa Moa Arena.

Nanood kasi siya ng UAAP women's volleyball sa MOA Arena kamakailan lamang at matapos nito ay na experience niya ang hindi inaasahan.

Sa kaniyang unang tweet ay ibinahagi nito ang pagkawala ng kaniyang cellphone at pera matapos na dumugin sila at magpa picture ng ilang fans ay doon umano umatake ang mga magnanakaw.

"sa lahat po ng may video ko sa moa kanina after game kindly send me the video nanakawan po kase kasama ko
ng phone and cash habang madaming nag papa picture. DOOR 218 po ako nun thank you po," unang tweet niya.

"end up sobrang dami pong nanakawan same time and same spot. so please po pa send ng video ramdam ko po na videohan talaga yung nag nakaw," dugtong pa niya matapos na malamang hindi lamang siya ang nanakawan.

Sa sunod sunod na tweet pa niya ay inilabas niya ang buong pangyayari:

"grabe talaga kanina yung experience ko sa moa arena nakaka trauma. ang babastos na malikot pa kamay."

"grabe ang modus nila sobrang daming nag papapicture tapos pag nag kakagulo na galaw na ang mga kupal mag nakaw."

"ayaw mag si pag trabaho ng maayos, sobrang nakakagalit hindi nakakaawa."

Sa latest tweet pa niya ay muli itong nanawagan sa kumuha ng phone at sinabing aalukin niya pa ito ng malaking pabuya maibalik lamang ang naturang phone.

"again sa kumuha ng phone paki balik nalang po kase hindi nyo rin po talaga yan mapapakinabangan. I will give you cash pa po pag binalik nyo. yung 5k na nakuha den dodoblehin ko you can dm me promise hindi ko expose kung sino ka. sobrang dami lang important files sa phone."

"pag na lock yan sa apple hindi na talaga magagamit yan kahit kailan kaya mas mabuti pang ibalik nalang," huling hirit pa nito.


No comments:

Powered by Blogger.