Mga kandidata sa pageant sa Angola, nagkagulo upang agawin ang korona sa nanalo?
- Viral ang Miss UÃge pageant sa Angola matapos magkagulo-gulo ang mga kandidato sa coronation night nito
- Tila nagprotesta ang ilang beauty queens nang tanghaling Miss UÃge 2022 si Jandira Monteiro na makikita sa viral video
- Mayroon ding babae na nagtangkang kuhanin ang koronang nakapatong sa ulo ni Ms. Monteiro dahilan upang protektahan siya ng ilang security personnel
Viral ang Miss UÃge pageant sa Angola matapos magkagulo ang mga kandidata sa gabi mismo ng koronasyon nang tila hindi nagustuhan ng mga natalo kung sinong kinoronahan bilang Miss UÃge 2022.
Nang tanghalin bilang Miss UÃge 2022 si Jandira Monteiro, makikitang may mga kandidatang natalo na naghagis ng sash sa tapat ng stage at saka umalis ang ilan. Makikita rin ang dalawang babae na nagtangkang kuhanin ang korona sa ulo ni Ms. Monteiro.
Agad namang sumipot ang dalawang security personnel upang tulungang makaalis ng venue ang nagwaging si Miss UÃge 2022 Jandira Monteiro nang ligtas.
Kabilang ang nanalong Miss UÃge 2022 sa magiging kinatawan ng kanilang lugar, ang provincial capital city ng Northwestern Angola, upang sumabak sa Miss Universe Angola 2022.
Kasunod nito, naglabas naman ng pahayag si Miss Universe 2011 Leila Lopes na paiimbistigahan umano ng national director at presidente ng MU Angola ang nangyari sa gulong nangyari sa pagitan ng mga beauty queens sa naganap na pageant.
Kailangan din nilang igalang ang desisyon o 'di kaya'y gumawa ng legal na aksyon kung may reklamo. Dagdag pa nito, hindi na makakasali sa susunod na contest ang mapapatunayang nanggulo sa coronation night ng Miss Uige 2022.
No comments: