Miel Pangilinan, hindi natuwa sa isang post na tinawag siyang 'lesbian': "inform yourself first..."

- Hindi nagustuhan ni Miel Pangilinan ang isang post na tinawag siya bilang isang lesbian kahit nagpakilala na siya bilang isang 'queer'

- Nakiusap naman ito na sana'y aralin muna ng mga tao ang paksa bago magsulat hinggil dito

- Hindi na rin umano siya magbibigay ng mga detalye sa kanyang sexual identity dahil aniya, ito ay 'extremely personal'

Nag-react ang anak ng Kapamilya star na si Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa isang news headline na tinawag siya bilang 'lesbian' pagkatapos magpakilala bilang isang 'queer.'

Hindi ito natuwa at sinabi pang hindi na siya magbibigay pa ng anumang detalye sa kanyang sexual identity dahil ito ay 'extremely personal.'

Sa kanyang Instagram story siya naglabas ng kanyang reaksyon hinggil sa online news site na pinangalanan siyang lesbian. Aniya, hindi totoo ang sinasabi nitong siyang lesbian.

“This is incorrect. I am not a lesbian, nor have I claimed to be. 

“I stated specifically on the post that I am queer—and unless stated otherwise don’t just make assumptions that I’m a lesbian based on the fact that I came out or that I held a pride flag. 

"Please inform yourselves. If I was a lesbian I would have said I was a lesbian.

 “I am queer. Queer ≠ lesbian. If you’re going to inform people, inform yourself first. and at least give my post a proper read-through before making a post about it," pahayag niya.

Matatandaang noong unang linggo ng June bilang pagdiriwang sa pride month ay isinapubliko niyang bahagi siya ng LGBTQ community bilang isang queer.

Dagdag pa nito, "It’s pride month. If you’re going to make a post reporting about a person’s whole IDENTITY, I should hope that you get it right. please. There are more identities than lesbian and gay lol.

“I also don’t NEED to talk about the boundaries and extents and specifics of my attraction/identity.

“It’s extremely personal and the fact that it’s something I need to clarify despite the including the statement that I am queer in my post is just upsetting. Identity is personal and if you’re going to report on it, please stick to the source lmaoo,” sulat pa niya sa nasabing story.

No comments:

Powered by Blogger.