Lovi Poe, Kapamilya na kahit hindi pa lumilipat ng ABS-CBN? "“Ever since, I’ve been a huge fan..."
- Ibinuking ni Lovi Poe na matagal na siyang fan ng Kapamilya Network at Dreamscape Entertainment kaya naman malaki umano itong opportunity sa kanya
- Pinasalamatan din siya ng VIU executive sa dedikasyon niya sa pagta-trabaho sa paggawa ng Flower of Evil Philippine adaptation
- Hindi rin niya makakalimutan ang 'Kapamilya feeling' na natanggap niya sa loob ng set ng serye at sa mga staffs na nakasama niya
Bigla-bigla nalang naiyak ang aktres na si Lovi Poe sa press conference ng Kapamilya series na 'Flower of Evil' na ginanap kahapon, June 20. Ang teleserye ring ito ang nagsisilbing kauna-unahang Kapamilya teleserye ng aktres pagkatapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.
Naging emosyonal ito nang pasalamatan siya ng VIU Philippines content development manager na si Garlic Garcia sa pagiging mahusay nitong aktres, at sa professionalism niya sa trabaho't pakikisama.
“This is so meaningful for us, to be able to do this together. And really, every day, I saw her work so hard on set. Hindi siya napapagod. She was relentless in nailing the role.
“There were hard days on set, but what’s important is she never gave up and she kept wanting to give more and more and more. I honor her for that,” pahayag ng Viu executive.
Pagkatapos nito ay naging emosyonal si Lovi dahilan upang tanungin siya ng kanilang host na si Robi Domingo at ilang kasamahan sa presscon kung bakit siya naiyak.
Sagot nito, “Ever since, I’ve been a huge fan of ABS-CBN and Dreamscape, so just to be given the opportunity to work with such an amazing team, it’s just great. It’s my first project (with ABS-CBN), so the transition wasn’t the easiest thing.”
“My first day on set was difficult, kasi all of a sudden I'm in a new environment. Everything’s new, everyone’s new. It was hard.
“And as the days went by, parang I wasn’t myself in the beginning. I was having such a hard time, but with the help of everyone, it felt great.
“‘Yung as simple as sinabi ni Kuya Adler and ni Kuya Fred, ‘Huwag ka mag-alala, nandito kami para sa ‘yo.’ Doon ko na-realize na I’m part of a new family now. And these people want to see me do well,” pagbabahagi ni Lovi.
No comments: