Dawn Chang may pangaral sa kabataan, "Bago magsalita, mag-aral ng kasaysayan"
- Sa kaniyang twitter account ay nagbahagi ng pangaral si Dawn Chang para sa lahat
- Tila pinatutungkulan niya partikular ang mga kabataang pinoy
- Sinabi nitong mag-aral ng kasaysayan, para may tamang ambag sa lipunan
Sa kaniyang twitter account ay nagbahagi ng pangaral si Dawn Chang para sa lahat.
Bago pa man ito ay nagbahagi ito ng tweet mula sa isang professor kung saan pinatutungkulan ang mga educated people na wrongly educated umano.
"The problem is not people being uneducated.
The problem is that people are educated just enough to believe what they have been taught, and not educated enough to question anything from what they have been taught.," sabi sa tweet na ibinahagi ni Dawn kung saan ni quote retweet niya kasama ang katagang 'Wrongly educated'.
At sa sumunod na tweet nga niya ay nagbigay pangaral ito sa lahat, "Mahirap maging pag-asa ng bayan, kung ang ating kasaysayan ay sadyang kakalimutan," pagsisimula niya.
Tila patungkol ito sa kasabihang ang Kabataan ang pag-asa ng bayan.
"As Filipinos, we need to collectively help each other learn the lessons frm the past, so we can have a better future ahead. Bago magsalita, mag-aral ng kasaysayan, para may tamang ambag sa lipunan.," buong tweet nito.
Sinang-ayunan naman ito ng marami, may isang nagsabi pa na sana isapuso ng marami ang nasabing ito ni Dawn.
"Well stated Ms. Dawn Chang. I agree totally. I hope and pray the youth takes your statement to heart. Araling MABUTI ang KASAYSAYAN at Mag'SALIKSIK. HISTORY ought to be learned From CREDIBLE WRITERS or HISTORIANS.," reply ng isang fan kay Dawn.
No comments: