Sleep With Me' nina Janine at Lovi, unang mapapanood sa ibang bansa

Kamakailan ay inilabas ng mga bidang aktres na sina Janine Gutierrez at Lovi Poe ang opisyal na poster ng kanilang inaabangang proyekto na 'Sleep With Me'sa kani-kanilang mga social media pages.

“Gumawa tayo ng mundo na para sating dalawa lang,” caption ni Janine sa kanyang post.

Sa isang lumang post, tinukoy ni Lovi ang proyekto bilang espesyal sa kanya dahil nagawa niyang lumabas sa kanyang comfort zone sa kanyang linya ng trabaho. "Let's drink to firsts," isinulat niya sa Instagram post noong Pebrero kasabay ng pagtatapos ng pagshoot ng pelikula.

“This series we recently shot holds a special place in my heart because I had to yet again break from my usual mold as an actor. I am really happy I did this with a team that was so game and easy going. I am proud of this series," wika ni Lovi.

Nitong linggo naman ay masayang ibinalita ng Dreamscape Entertainment na unang mapapanood ang proyekto sa 40th Los Angeles LGBTQ+ Film Festival sa Amerika.


"Sleep With Me’s world premiere will be at the 40th Los Angeles LGBTQ+ Film Festival!"

Nagpaabot rin ito ng pagbati sa mga bidang aktres na si Lovi at Janine, maging sa writer at director na si Samantha Lee, at sa producer na si Dan Villegas.

"Congratulations Lovi Poe, Janine Gutierrez, Samantha Lee and Dan Villegas!"

Habang ipinagdiriwang ng Los Angeles LGBTQ+ Film Festiva ang ika-apat na dekada ng pagdadala ng pinakamahusay at pandaigdigang pelikula tungkol sa LGBTQ+ community, ang Outfest's 2022 na edisyon nito ay magpapakita ng napakalaki at magkakaibang lineup ng higit sa 200 queer na pelikula mula sa 29 na bansa, kabilang ang kahanga-hangang 42 world premiere sa loob ng 11 araw mula Hulyo 14 ngayong buwan.

Ang 'Sleep With Me' ay mapapanood dito sa Pilipinas ngayong August 15 sa iWantTFC.

No comments:

Powered by Blogger.