Lindol joke ng Angkas, trending; Ikinagalit at ikinatuwa ng mga netizens


 - May message na nag-notify sa mga Angkas users ngayong umaga ngunit ikinagalit ito ng ilan dahil sa 'insensitive lindol joke' nito

- Sinubukan kasi umano ng Angkas na magpaka-witty ngayong may kinakaharap na problema ang ilang mga Kapamilya dulot ng malakas na lindol

- Usap-usapan naman ito sa Twitter at samu't-sari rin ang mga opinyon dito ng mga netizens na nagagalit at natatawa sa viral notifcation ng Angkas

May isyung kinakaharap ngayon ang Angkas PH, isang popular na app-based motorcycle taxi-ride hailing service dahil sa umano'y insensitive na joke nito.

Kaninang umaga lang kasi ay niyanig ng isang malakas na magnitude 7 na lindol ang probinsya ng Abra, na siya ring naramdaman sa iba't-ibang bahagi ng Luzon, kabilang ang Maynila.

Ayon sa ulat ng Rappler, umabot sa magnitude 7.3 ang lindol at tumama sa oras ng 8:43 AM. Ito ay base sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Kabi-kabila naman ngayon ang natatanggap na komento ng Angkas sa social media site na Twitter, dahil sa biro nitong may kaugnayan sa naganap na lindol.

Matagal na rin kasing nagvi-viral sa social media ang mga witty posts ng Angkas ngunit ngayon ay hindi ito masyadong ikinatuwa ng mga netizens.

"lumindol daw? or did you just rock my world hahahaha ok last day ko na raw anyway stay safe bye," ang notification message na bumungad sa mga Angkas users ngayong umaga.

Kung may mga nagalit, may mga natuwa pa rin naman sa joke na ito ni Angkas. Ngunit karamihan sa mga nagkomento ay pinaalalahanan ang kompanya na sana'y 'ilugar' ang kanilang pagiging 'witty'.

No comments:

Powered by Blogger.