Ogie Diaz, hiniritan ang tweet ni Kuya Kim na 'M to M' nakukuha ang Monkeypox


 - Nagpakita ng reaksyon si Ogie Diaz sa viral tweet ni Kuya Kim patungkol sa kung saan nakukuha ang Monkeypox

- Tila ipinapakita kasi umano ni Kuya Kim na 'gay disease' ang Monkeypox dahil maaaring makuha ang sakit kung makikipagtalik ang lalaki sa lalaki

- Kalaunan naman ay nag-public apology na si Kuya Kim sa mga nasaktan niya sa kanyang tweet partikular na sa mga miyembro ng LGBT

Sinabayan ng isang tweet ng showbiz manager na si Ogie Diaz ang pagiging viral ng dating Kapamilya na si Kuya Kim dahil sa tweet nito patungkol sa bagong virus na kumakalat ngayon, ang Monkeypox.

Viral sa social media ang sinabing ito ni Kuya Kim dahil ipinapamukha niya 'di umano na isang 'gay disease' ang Monkeypox sa dahilang madalas daw kasing nakukuha ang virus na ito sa 'M to M'.

May isang netizen kasing nagtanong sa kanya kung ano ang pinagkaiba ng Chickenpox sa Monkeypox na sinagot ni Kuya Kim na tila pasaring sa LGBT community.

Samu't-saring reaksyon din ang natanggap niya sa tweet na ito kabilang na si Ogie Diaz na niresearch pa kung talagang sexually transmitted infection ang Monkeypox.

"Eto pala yon, Kuya Kim. Di bale, bawi ka na lang sa next bonding," tweet ni Ogie hinggil sa isyu.

Nag-apologize naman si Kuya Kim sa Twitter at aminadong nasaktan niya ang damdamin ng mga Kapamilya nating bahagi ng LGBT. 

No comments:

Powered by Blogger.