Nadine, nagpasiklab sa Drag Race PH; Lea Salonga, nag-react


 - Bonggang-bongga ang suot ng Kapamilya star na si Nadine Lustre nang mag-judge ito sa 'Drag Race Philippines' noong Wednesday

- Agaw-atensyon naman siya sa Fashion Designer na si Rajo Laurel na kasama niyang nag-judge sa Drag show

- Napa-comment din si Lea Salonga sa picture na ipinost ni Rajo kasama si Nadine na tila excited sa pasabog ng aktres

Patok na patok sa mga viewers at fans ng 'Drag Race Philippines' ang pagiging guest judge ng Kapamilya star na si Nadine Lustre para sa 3rd episode ng show noong Wednesday.

Maliban kay Nadine, ipinakilalang guest judges din sina Regine Velasquez, Boy Abunda at ang Miss Universe 2015 title holder na si Ms. Pia Wurtzbach sa inilabas na teaser ng show bago pa ito umere.

Nag-ala-drag din kasi ang outfit ni Nadine na benta sa mga fans nito. Isa pa sa bonggang appearance ni Nadine sa Drag Race PH ang pagiging agaw-atensyon niya lalong-lalo na sa fashion designer na si Rajo Laurel na kasamahan niyang judge.

"I absolutely fell in love this incredibly beautiful & talented young lady @nadine who sat beside me as a judge for the latest episode of @dragraceph which i know will truly make everyone so proud to be Filipino! In my humble opinion ( as a Drag race super fan!) It’s the best girl group challenge in the entire @rupaulsdragrace franchise," caption niya sa kanyang Instagram post.

"So much fun being on Drag race PH with you! I’ll remember this forever," comment din ni Nadine sa kanya.

Tila na-excite naman ang Kapamilya singer na si Lea Salonga sa picture ni Nadine bilang isang Drag Race judge.

Aniya, "Haven’t watched it yet, but so excited!!!!!!! And, will there be Snatch Game? Please say there is!!!"

Mapapanood naman ang Drag Race Philippines sa Wow Presents Plus, Discovery Plus, at HBO Go. 

No comments:

Powered by Blogger.