Angelica Panganiban ibinahagi ang mga natutunan niya ngayong isa ng Ina
- Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng litrato ang kapamilya actress na si Angelica Panganiban kasama ang anak
- Sa naturang post ay ibinahagi nito ang ilang mga natutunan niya sa pagiging isang Ina
- Sinaluduhan din niya ang ilan pang Ina na kagaya niyang pinagdadaanan ang hirap bilang isang Ina
Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Kapamilya Superstar Angelica Panganiban ang mga natutunan niya ngayong isa na siyang ganap na Ina.
Sa naturang post ay ibinahagi niya ang mga karanasan niya ngayon bilang isang Ina na tila malayong malayo na noong wala pa siyang anak.
"2 months into motherhood, at eto mga natutunan ko. Bago ka mag padede kapag 4am na, mag sipilyo, hilamos at umihi ka na. You’ll never know kung papayag pa ba siyang magpababa sayo ( ibulong mo na din kay Lord na sana makaligo ka sa araw na ito )," panimula niya.
"Pangalawa, ipunin ang mga kailangan sa tabi mo kapag nagpa dede ka, remote ng tv, at ng aircon, libro, phone, charger, tubig at snacks.
"Pangatlo, hindi ka na makakapag damit. Tanggapin mo na, na naka bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sayo. Kasama na rin dito ang pag suklay ng buhok. What is hair brush na po tayo. Opo.," Aniya.
Ibinahagi rin niyang dapat ay kumain ng marami at mabilis kaakibat ang pag-iingat na hindi agad magising si Baby.
"Pang apat, kumain ng marami at mabilis. Pero bawal ang kalansing ng kubyertos at baka magising mo ang nabudol mong baby.
"At, matulog kapag tulog si baby. Subukang pakalmahin ang isip. I know madami tayong gustong gawin at ma accomplish. Pero, tanggapin mo nang, hindi ka naman talaga makakatayo sa kinauupuan mo. Kaya matuto kang matulog ng nakaupo. Saludo ako sa lahat ng ina. Mabuhay tayong lahat," buong pahayag niya.
No comments: