McCoy De Leon at Mary Joy Santiago convo ng 'I love you-han' viral na!

- Viral at usap-usapan pa rin ang patungkol sa nabuong relasyon ngayon nina McCoy De Leon at Mary Joy Santiago

- Lumilitaw naman ang iba't-ibang litrato kaugnay sa pagpapatunay ng relasyon ng dalawa

- Sa isang convo naman ay nilinaw ni Mary Joy na hiwalay na sina McCoy at Elisse bago sila nagsimulang mag-usap

Viral at Usap-usapan ngayon ang patungkol sa hiwalayan nina McCoy De Leon at Elisse Joson, at kasabay ang bagong relasyon sa pagitan ni McCoy at social media influencer na si Mary Joy Santiago.

Kamakailan lamang ay nasangkot sa isang blin item sina McCoy at Elisse kung saan hinuha ng netizens na sila ang loveteam na naging real sweatheart na ngayon ay hiwalay na.

Kasunod nito ang paglabas ng litrato ni McCoy katabi si Mary Joy, bukod pa rito ang iba't-ibang litrato ng pagpapatunay ng tila pagkukumpirma ni Mary Joy sa relasyon nila ni McCoy.

Samantala isa pang litrato ang umiikot ngayon sa social media ng tila pag a 'I Love you' ni McCoy kay Mary Joy.

"I love you", "Work lang ako" ang mga chat ni McCoy na ni replya-han ni Mary Joy ng "opo" at "miss mo ko?", Na pabirong sinagot ni McCoy ng "Saks lang".

Bukod pa sa mga litratong ito ay ang conversation naman ni Mary Joy sa isang kakilala kung saan sinasabi nitong matagal na umanong hiwalay sina McCoy at Elisse bago pa man nagsimulang mag-usap silang dalawa. Dagdag hirit pa niya na maging ang social media/online game player na si Yawi ay china-chat siya.

Ano ang masasabi mo tungkol dito?

No comments:

Powered by Blogger.