Isang babaeng Vietnamese ang naholdap sa Zapote 3 Coastal Road. Nakuha ng holdaper ang kanyang… See more ‎


Pinasok ng suspek sa sasakyan

CAVITE, Philippines — Isang 27-anyos na babaeng Vietnamese ang sugatan makaraan siyang saksakin ng isang hinihina­lang holdaper na biglang pumasok sa loob ng kanilang sasakyang van na minamaneho ng Chinese national sa kahabaan ng highway sa Pasay City, hanggang sa makara­ting sila sa Bacoor City kaya nakahingi ng tulong, kama­kalawa ng gabi.

Ibinaba sa Brgy. ­Talaba 2, Bacoor City ng kasama nitong babaeng Chinese national na nagsilbing driver ng van, ang biktima na duguan at nanghihina nang makita ng ilang concerned citizen at dinala sa kanilang Barangay Hall bago itinakbo sa pagamutan. 



No comments:

Powered by Blogger.