Hepatitis awareness isinusulong
Kapag taglay mo ang sakit na hepatitis, iba ang nagiging tingin ng taong nasa paligid mo. Nagiging negatibo. Pero hindi dapat sana ganito.
Totoong nakamamatay ang Hepatitis B. At ang kasong ito ay tumataas sa ating bansa kunsaan ang Hepatitis B carrier ay pumatong na sa siyam na porsyento (sa sampung tao, isa ang carrier).
Sa Pilipinas, tinatayang mahigit sa 7.7 milyong tao ay chronically infected ng Hepatitis B. Sa bilang na ito, nasa pagitan ng 1.1 hanggang 1.9 ang pwedeng mamatay dahil sa cirrhosis o liver cancer. Masakit na katotohanan, hindi ba? Pero may hakbang para sa delikadong sakit na ito.
Sa pangunguna ng Hepatology Society of the Philippines (HSP), dating Council on Liver Diseases sa ilalim ng Philippine Society of Gastroentology (PSG), tinutulak nito nga-yon ang kaalaman kung paano panghahawakan ang sakit na may kinalaman sa atay dito sa bansa. Katuwang ng grupong ito ang health professionals para sa paghahatid ng clinical care para sa lumalaking bilang ng pasyente ng nasabing sakit.
Aalalay ang HSP upang tutukan ng husto kung anong positibong magagawa para labanan ang hepatitis. Kasapi rin nila sa kampanya ang pamahalaan partikular sa kung paano maiiwasan at malulunasan ang sakit sa pamamagitan ng vaccination kontra Hepatitis B sa mga sanggol at mga batang nasa edad walo pababa.
Kasama ring isinusulong ang “Guidelines for Implementation of the Workplace Policy and Program for Hepatitis B” para mawala ang diskriminasyon sa trabaho para sa mga pasyente ng Hepatitis B.
(source: Abante Online)
No comments: