Iligtas ang Kidney, Kontrolin ang Blood Pressure


Taon-taon, milyong buhay ang nawawala sa maagang panahon dahil sa kidney failure, heart attack at stroke na may kinalaman sa chronic kidney disease (CKD), isang grupo ng mga ekspertong Pinoy ang mahigpit na nagpayo sa pagkontrol ng high blood pressure (hypertension), na isa lamang sa mga sintomas at mga dahilan ng CKD.

Sa mahigit 10 milyong Pinoy na may hypertension, 16 porsyento ang hindi pansin na mayroon silang ganitong kondisyon at 20 porsyento lamang ang kayang kontrolin ang kanilang high blood pressure. “We must inform the general public that better blood pressure control slows the progression of CKD, and makes it less likely that a patient will require dialysis or suffer a heart attack and other cardiovascular diseases,” ayon kay cardiologist Dr. Rody Sy, Professor sa UP-College of Medicine (UPCM) at dating presidente ng Philippine Heart Association.

“Abnormalities in kidney function often serve as early warning sign of potentially more serious health problems, provi-ding both doctor and patient with an excellent window of opportunity to address such problems before they worsen. If detected early, kidney disease can be treated thereby reducing other complications,” giit ni kidney at hypertension specialist Dr. Agnes Mejia, Chair ng Department of Medicine, UP-Phil. General Hospital at Professor sa UPCM.

Ipinayo pa sa publiko nina Sy at Mejia na regular na i-monitor ang blood pressure at sumailalim sa urine at blood tests upang masuri ang early signs ng CKD.

Sa maraming bansa kasama ang Pilipinas, naitala na ang uncontrolled hypertension ay 85 porsyento o mataas pa, na nangangailangan ng epek-tibong gamot. Naniniwala ang mga eksperto na ang pagkontrol dito ay sa paraan din ng gamot upang makontrol ang key component ng blood pressure-regulating process, ang renin-angiotensin-aldosterone-system (RAAS)

(source: Abante Online)

No comments:

Powered by Blogger.