Pag-Agapay sa Diabetes at Stress


Kapag ikaw ay may diabetes, ang stress ang mahalagang nakakapekto kung paano makokontrol ang naturang sakit o pagtaas at pagbaba ng inyong sugar level. Kapag nakakaramdam ng stress, malamang makalimutan ang oras ng pagkain o oras ng pag-inom ng gamot, kaya’t apektado ang sugar level. Kaya’t nararapat na matutunan ang akmang gagawin kapag nakakaramdam ng stress, lalo’y may diabetes.

Kahit mahirap naman talagang alisin ang stress sa ating buhay, may ilang mga pamamaraan kung paano mababawasan ito at kapag natutunan ito ay malaking tulong para maging kontrolado ang ating sugar level. Narito ang ilang pamamaraan:

TRATUHIN ang STRESS na may Positive Attitude

Kung tila lahat na nangyayari sa buhay ay puro palpak o mali, pi-liting tumingin ng mga positibong aspeto sa mga kaganapan. Tama nang mas madaling makita ang mga pangit kesa sa mga magaganda sa mga nagaganap pero meron pa ring mga positibo sa iyong buhay, trabaho, pamilya, kaibigan, maging sa iyong kalusugan. Ang pag-iisip sa mga magaganda ay nakakatulong para maalpasan ang pangit at malaktawan ang stress.

Maging Mabuti sa SARILI


Ano ba ang iyong mga talento, kakayanan at mga pangarap sa buhay? Baka naman sobra-sobra ang pinapangarap mo para sa iyong sarili? Huwag labis labis ang ginagawang pangarap sa sarili kesa sa alam mong kaya mong gawin.

TANGGAPIN na LANG ang mga DI KAYANG BAGUHIN

Para sa mga sobrang stressful na kalagayan o mga problemang di na kayang baguhin, gumawa ng simpleng plan of action. Tanungin ang sarili ng mga sumusunod na katanungan:

Mahalaga pa kaya ito pagkaraan ng dalawang taon?”

May kontrol ba ako sa sitwasyo?

Maaari ko bang baguhin ang sitwayson ?”

IHINGA sa IBA ang NARARAMDAMANG Stress

Huwag sarilinin ang mga intindihin na nagdudulot ng stress sa iyo. Kung ayaw mong kausapin at sabihin sa mga kapamilya o malapit na kaibigan, may mga counselors o kagawad ng simbahan na sinanay sa pagbibigay ng mga kaukulang payo. Maaari ring konsultahin ang inyong doktor para sa kailangang mgan psychologist o counselor.

Mag-EXERCISE para LABANAN ang Stress

Ang kapakinabangan ng ehersisyo sa pagbabawas ng stress ay kabisado na, lalo ng mga may diabetes. Ang pag-eehersisyo ay parang nakakakumpleto sa sariling kakayanan kaya’t nawawala ang mga simtomas ng stress.

M A G R E LA X

Praktisin na ma-relax ang muscles, huminga ng malalim at magsagawa ng meditation o visualization.

Magtanong sa inyong doktor o health care provider ng inyong tanggapan para sa kaukulang impromas-yon o mga available naganitong programa.
Tandaang tulungan ang sarili para makaagapay sa stress kahit ikaw ay diabetic at kaya mo iyan Kid!

(source: Abante Online)

No comments:

Powered by Blogger.