8 basong tubig: sapat ba o kulang?


Hindi lumampas sa ating isipan ang payong uminom ng walong basong tubig kada araw.

Noon pa man, binilinan na tayo na uminom ng walong basong tubig dahil ito raw ang angkop para sa ating katawan at kalusugan.

Sa katotohanan lamang, ang pangangailangan natin sa tubig ay depende sa sitwasyon -- lagay ng kalusugan, kung gaano ka ka-active at kung saan ka nakatira.

Lahat ng sistema sa ating katawan ay nakadepende sa tubig. Tinatanggal nito ang toxins sa vital organs, nagdadala ito ng nutrients sa cells at nagbibigay ng moist sa tenga, ilong at throat tissues.

Nawawala ang tubig sa katawan sa ating pag­hinga, paglabas ng pawis, pag-ihi at pagdumi.

Ayon sa pag-aaral, ang mga lalaki ay kaila­ngan ng average fluid intake sa bawat araw ng 3 litro (13 tasa) at sa babae ay 2.2 litro (9 tasa).

Maaaring madagdagan ng fluid intake kung ikaw ay:

- Nag-eehersisyo. Depende sa intensity, magdagdag ng 1.5-2.5 tasang fluid.

- Nasa mainit na lugar.

- May sakit o karamdaman.

- Buntis o nagpapa-breastfeed. Kung buntis, 2.3 litrong (10 tasa) fluid ang inumin at sa nagpapasuso ay 3.1 litro (13 tasa).

source: Abante Online

No comments:

Powered by Blogger.