Ano Po Ang Sakit na Lupus?


Ang systemic lupus erythematosus o lupus ay isang chronic o pangmatagalang inflammatory disease kung saan ang immune system ng isang tao ay inaatake ang sarili nitong cells at organs tulad ng joints, balat, bato, dugo, utak, puso at baga.
Mahirap madiagnose ang lupus dahil ang senyales at sintomas ng sakit na ito ay katulad ng sa ibang sakit. Ang kakaibang senyales ng sakit na ito ay ang pagkakaroon ng facial rash, sa may bandang pisngi, na hugis paru-paro. Ngunit hindi lahat ng may lupus ay nagkakaroon ng rash sa mukha lalo na ang mga lalake.

Wala pa talagang gamot para sa lupus ngunit may gamot upang mapigilan ang mga sintomas at komplikasyon tulad ng pagkasira ng internal organs ng isang tao.

Hindi pare-pareho ang lupus. Ang mga senyales at sintomas ay iba-iba sa bawat pasyente, may mild at may severe, may panandalian at may pangmatagalan na nakakaranas ng sintomas. Kadalasan sa mga pasyenteng may lupus ay mayroong episodes o flares kung saan lumalala ang mga sintomas pagkatapos ay bubuti ang kalagayan hanggang sa magkaroon na naman ng susunod na flare.

Narito ang ilang sintomas ng lupus: 
  1. Laging pagod at nilalagnat
  2. Pananakit ng joints, naninigas at namamaga
  3. Hugis paru-parong rash sa pisngi at ilong
  4. Sugat sa balat na lumalala kapag naaarawan
  5. Namumutla o nagkukulay-asul na mga daliri kapag nalalamigan
  6. Hinahapo o nahihirapang huminga
  7. Pananakit ng dibdib
  8. Tuyong mga mata
  9. Masakit ang ulo at hirap sa pag-alala
  10. Manas ang mukha o binti

Sino ang madalas nagkakaroon ng Lupus?
  1. Ang mga babae ay mas madalas na nagkakaroon ng lupus kaysa sa mga lalake. 
  2. Kahit anong edad ay maaaring magkaroon ng lupus ngunit madalas itong madiagnose sa edad 15-40 taong gulang.
  3. Mas madalas din makita ang lupus sa mga African-Americans, Hispanics at Asians kabilang na ang mga Pilipino.

Kung mayroon kang hugis paru-parong rash sa mukha, nilalagnat at palaging pakiramdam mo ay pagod ka at nananakit ang iyong mga joints, kumonsulta sa doktor upang malaman kung ikaw ay may lupus.

No comments:

Powered by Blogger.