Mga Solusyon Para sa Masakit na Likod
Kasabay ng pagtanda, nagsisimula na nating maranasan ang pananakit ng ating likod. Ang ilan sa mga pinakamadalas na dahilan ng pagsakit ng likod ay dahil sa nasisirang mga buto sa likod dahil sa pagtanda. Maaaring naiipit ang mga nerves nanagdudulot ng sakit. Maaaring namamaga din ang mga muscles kaya nakakaranas ng sakit.
Narito ang ilang paraan upang masolusyunan ang pananakit ng likod.
- Magkaroon ng regular na ehersisyo. Nakakatulong ito upang mas maging malusog ang iyong spine.
- Sumailalim sa physical therapy. Para sa mga matatanda na may problema sa likod, maaaring payuhan kayo ng doktor na sumailalim sa physical therapy para bumuti ang inyong balance at flexibility. Mapapalakas din into ang inyong likod at core na mainam para sa inyong spine.
- Maaaring resetahan kayo ng doktor ng gamot para mawala ang pananakit ng likod. Pero tandaan na huwag abusuhin ang gamot lalo na ang mga NSAIDS (ibuprofen, naproxen at aspirin) dahil maaaring makasira ito ng inyong bato
- Kapag sobrang sakit ng inyong likod, maaaring maglagay ng yelo o ice pack sa loob lamang ng 20 minuto
- Matapos ang dalawa hanggang tatlong araw ng pananakit, gumamit ng warm bath upang mainitan ang mga muscles at marelax ito.
- Magpahinga sa loob ng 48 oras upang mabigyan ng oras na gumaling ang iyong likod.
No comments: