Gaano karaming tubig ba ang dapat inumin sa isang araw?
8-12 baso ng tubig puwede sa pangkaraniwang tao na walang sakit sa puso or heart failure. Maraming kababayan natin ang KULANG sa paginom ng tubig, at 3-4 baso lang. Dahil kulang sa tubig nagkaka-UTI at may na heat stroke din. Ang safe LIMIT ay mga 16 basong tubig araw-araw or 4 liters a day. Kapag sosobra na sa 16 baso kada araw, medyo delikado ito sa mga may edad. Kaya ang MENSAHE ko: Para sa karamihan ng PILIPINO, uminom ng mas maraming tubig hanggang 8-12 glasses. Doon naman sa iilan na sobrang dami sa 16 baso, hinay hinay lang. LAHAT ng bagay in MODERATION. Sa tamang dami lang para healthy ang lahat. - Doc Willie Ong
Nakakatulong ang tubig upang maging normal ang iyong body temperature. Tumutulong din ito upang maging lubricated ang iyong mga joints para maiwasan ang pananakit nito. Maganda rin ito upang maalis ang mga dumi sa ating katawan sa pamamagitan ng pag-ihi, pagpapawis at pagdumi. Kailangan mo ng mas dagdag na tubig sa katawan kapag nasa sobrang init na lugar, kapag nag-eehersisyo, kapag mayroong lagnat at mayroong diarrhea o pagsusuka.
No comments: