Virus na Nagdudulot ng Sakit, Maaaring Makuha sa Paggamit ng Hand Dryers


Kadalasan na makakakita tayo ng gma hand dryers sa mga comfort room sa malls. Ngunit ayon sa maraming pananaliksik na ginawa dito, hindi magandang gamitin ang mga hand dryers. Ayon sa mga microbiologists sa University of Westminster sa London, mas mataas ang posibilidad na makakuha ng viruses na nagdudulot ng sakit kapag gumamit ng hand dryers. Ito ay dahil sa ibinubugang malakas na hangin ng mga hand dryer. Kung anumang virus o bacteria ang nasa kamay ng isang tao, liliparin ito at hahanginin sa buong comfort room at maaaring maipasa at mahawa ang ibang tao.

Mas mainam ang paggamit ng tissue upung patuyuin ang mga kamay. Mas maganda ang tissue dahil may friction din ito kapag ipinapahid sa kamay na nakakatanggal din ng ilang bacteria. Maaari ring gumamit ng hand sanitizer ngunit siguruhinng na 60% alcohol o mas mataas na concentration ang gagamitin para makapatay ng mga mikrobyo na nagdudulot ng sakit.

No comments:

Powered by Blogger.