8 Bagay na Dapat Bantayan Kapag Masakit ang Ulo ng Bata


Bilang mga magulang, ayaw nating nakikitang nagkakasakit o nahihirapan ang ating mga anak. Ngunit madalas na nakikita ang sakit ng ulo sa mga bata. Kadalasan ay hindi naman ito dapat ikabahala dahil maaaring dahil lang ito sa minor na sakit, nauntog, kulang sa tulog o kulang sa pagkain at tubig. Maaaring mayroon ding migraine ang isang bata. Ngunit minsan, maaaring problema ang sakit ng ulo. Narito ang walong bagay na dapat bantayan.

  1. Bantayan kung ang sakit ng ulo ay may kasamang lagnat at stiff neck. Hindi makatingala, hindi kayang idikit ang baba sa dibdib at hindi kayang tumango. Kapag hindi ito kaya, dalhin sa emergency dahil baka mayroong meningitis ang bata. 
  2. Matinding sakit ng ulo na hindi nawawala kahit uminom ng paracetamol o ibuprofen. 
  3. Kapag ang sakit ng ulo ay may kasamang pagsusuka kahit wala namang lagnat o pagtatae. Maaaring viral infection o maaaring nauntog ng malakas ang bata at nagkakaroon ng mataas na pressure sa utak 
  4. Kapag ang sakit ngulo ay may kasamang pagiging antukin, hirap maglakad, hirap magsalita at kumilos. 
  5. Kapag ang sakit ng ulo ay nagiging dahilan ng pagkagising ng bata sa gabi habang natutulog. Kailangang dalhin sa doktor ang bata. 
  6. Kapag ang sakit ng ulo ay lumalala kapag humihiga ang bata. Senyales ito na tumataas ng pressure sa utak ng bata at kailangan matingnan agad ng doktor 
  7. Kapag laging pabalik-balik ang sakit ng ulo at nakakaapekto na sa pang-araw araw na buhay ng bata. 
  8. Kapag may sakit ng ulo ang iyong anak at ika'y lubhang nababahala, maaari pa ring dalhin sa doktor upang makasiguro.

No comments:

Powered by Blogger.