Depression, Mas Napapabilis ang Pagkasira ng Kidneys


Ang mga taong may sakit sa bato na nakakaranas ng sintomas ng depression ay maaaring mas mabilis na magkaroon ng kidney failure, hozpitalization at pagkamatay ayon sa pag-aaral na napublish American Journal of Kidney Diseases at National Kidney Foundation.

Ayon sa pag-aaral ng Kaohsiung Medical University Hospital sa Taiwan, ang mga taong may depressive symptoms ay nagkaroon ng mas maraming kaso ng pagkasira ng kidneys. Ang mga taong sumasailalim sa dialysis na nakakaranas ng depression ay mas mataas din ang dami ng hospitalization. Ang mga taong may chronic kidney disease ay may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng depression kumpara sa mga taong walang sakit. Ang depression ay maaaring magdulot ng pagtaas ng inflammation sa katawan at ito ay maaaring magcontribute sa lalong pagkasira ng bato. Ang mga CKD patients na amy depression ay may mataas na posibilidad din na hindi sumunod ng maayos sa kanilang gamutan.

Para matulungan ang mga CKD patients na may depression, maging bukas sa ibang tao. Humanap ng mga support groups at mga kaibigan na makakaintidi sa kanila. Matulog ng walong oras sa isang araw dahil ang sapat na tulog ay nakakatulong upang mabawasan ang depression. Kung kaya ay mag-ehersisyo pa rin ng regular.

No comments:

Powered by Blogger.