Bakit Mas Maagang Namamatay ang Lalake Kumpara sa Babae?


Maraming dahilan kung bakit on average ay mas maagang namamatay ang mga lalake kaysa sa mga babae.
  1. Mas gumagawa ng mga risky o delikadong bagay ang mga lalake. Mas maraming lalake ang namamatay dahil sa aksidente o dahil sa karahasan kumpara sa mga kababaihan. Mas maraming lalake ang namamatay sa biking at pagmamaneho ng lasing. Mas mabilis kasing nagiging mature ang parte ng utak ng mga babae na kailangan para sa judgment at consideration ng bawat aksyon ng isang tao. Kaya mas madalas nasasangkot ang mga lalake sa risky na gawain tulad ng pag-inom at paninigarilyo.
  2. Mas mapanganib ang trabaho ng mga lalake. Mas maraming lalake na sundalo, bumbero at nagttrabaho sa mga construction sites. 
  3. Mas maraming lalake ang namamatay dahil sa atake sa puso at mas bata silang namamatay. Mas mababa ang estrogen levels ng mga lalake kumpara sa babae. Ang estrogen ay pumuprotekta sa mga kababaihan mula sa atake sa puso. Mas marami din sa mga lalake ang ayaw magpagamot at tinitiis na laman ang mga sakit tulad ng altapresyon. 
  4. Mas maraming lalake ang nagpapakamatay kumpara sa babae. Mas hindi kasi nagsasabi ang mga lalake at hindi rin madalas humingi ng tulong kaya nauuwi na sila lang ang nakakaalam ng kanilang depression 
  5. Mas madalas na umiiwas sa health check up ang mga lalake kaya mas madalas na hindi nakikita ng maaga ang kanilang mga sakit. Kadalasan kapag malala na doon lamang nagpapatingin sa doktor.

Kaya kailangan mag-ingat at pangalagaang mabuti ang kalusugan upang magkaroon ng mas mahabang buhay.

No comments:

Powered by Blogger.